.040 Pagbabago

Nobyembre 27, 2010 § 9 mga puna

Yes, nadamitan din sa wakas ‘tong blog ko ๐Ÿ™‚ Maraming salamat kay jec at pinagbigyan niya ang hiling ko ๐Ÿ™‚ Ansaya ko super, hindi ko kelangan magmakaawa sa kanya para matulungan ako hehehe. Bago pa niya gawing business ang pagdadamit ng mga blog, nagpagawa na ako sa kanya para libre ๐Ÿ™‚ Maraming salamat ulit jec~!

Ngayon bago na ang itsura nitong pinagsusulatan ko ng buhay ko. Balak ko na rin na kahit papaano ay magbago. Hindi pa New Year pero pwede ko na simulan ngayon ๐Ÿ™‚ Ngayon na may trabaho na ako, ngayon na single na ulit ako, ngayon na nagbalik loob na ako sa mga magulang ko.

Ano naman ang babaguhin ni Katy? Eh ang perfect niya na ah! Alam ko yan ang reaksyon niyo nung sinabi ko na magbabago ako hahahahaha joke. Eto-eto ang mga balak kong baguhin sa sarili ko, sa routine ko, sa buhay ko:

1. Magtatanong kung hindi alam.

Hindi dahil feeling ko alam ko na ang lahat.ย Ako lang talaga yung klase ng tao na hindi matanong. Bata pa lang ako, wala na akong pakielam sa mga bagay-bagay. Ayokong mag-explore. Sa school, pag medyo hindi gets ang isang bagay, magdadasal at maghihintay na ibang kaklase ang magtanong. Ganito ako dati at gusto ko na baguhin ito. Ako kasi ang nahihirapan eh.

2.ย Hindi na muna manlalalaki

Hindi ko naman ito talaga ginagawa. Ang ibig kong sabihin…ano…uhm…alam niyo na..kasi ang isang tulad ko, hindi ko maiwasang hindi maakit sakin ang mga kalalakihan. Ang hirap kayang hindi sila pansinin. Gusto ko rin naman silang pasalamatan at naappreciate nila beauty ko. Pero sa ngayon, magsusungit na ako. Pag hindi ka gwapo, sorry hindi kita papansinin. Babawasan ko muna ang mga lalaki sa paligid ko para maaliwalas sa paningin. Sa totoo lang, natatakot na ako na maulit ang isa sa maraming trahedya sa buhay ko…ang ma-inlove. Kaya habang may mga lalaki, may chance ako ma-inlove…kaya for now, hindi ko muna kayo papansinin ๐Ÿ™‚

3. Papasok ng maaga sa office

Never ako na-late…lagi akong on-time. And when I say on time. 9 ang pasok ko, saktong 9 ang tapak ko sa loob ng opisina. Naisip ko na hindi magandang makasanayan ito. Araw-araw akong tumatakbo papunta sa train station at nanunulak papasok sa tren. Lagi akong naghahabol ng hininga. Lagi akong haggard pumapasok sa office. Sayang naman at naligo pa ako at nagsuklay bago umalis ng bahay.

4. ย Babawasan ang oras ng pagharap sa salamin

Wala naman na kasi mababago sa face ko kahit ilang oras ko pa titigan ito…kanina ko lang narealize yan ๐Ÿ™‚

5. Maglalagay na ng mga pictures dito

Feeling ko kasi ang boring nitong blog ko…puro walang kakwenta-kwentang kwento. At dahil gumanda na ang itsura nito (thanks again to jec :)) kelangan kahit papaano mag-effort naman akong pagandahin mga post ko diba? hehehehe

6. Hindi ko na gagawing tanga sarili ko

Madalas akong magpakilala sa tao na ako’y isang tanga pero mabait ๐Ÿ™‚ Kaya, tinatrato din nila akong tanga. Alam kong marami pa akong kelangang malaman…pero dapat malaman din ng ibang tao na may alam din naman ako sa ibang bagay ๐Ÿ™‚ Nagkukunwari kasi akong walang alam minsan…kaya ayun, naconvince ko sila at sarili ko na tanga me ๐Ÿ™‚

7. Tatapusin lahat ng sinumulan

Isa ito sa mga sakit ko. Nagbasa ng libro, tinamad, sinara ang libro at hindi na ito babalikan muli. Nakinig sa isang kanta, hindi pa tapos ang kanta, nilipat na sa susunod na kanta. Mabilis kasi akong ma-bore. Pag hindi na ako nag-eenjoy, iiwan ko na ito at magsisimula ulit gumawa ng isang bagay… hanggang sa nasimulan ko na lahat at wala nang natapos.

8. Kakain ng gulay

Joke time lang ‘to ๐Ÿ™‚

9. Panindigan lahat ng sinabi

Madalas kong kinakain lahat ng sinasabi ko. Ang sarap kasi eh ๐Ÿ™‚ Kaya siguro nagmumukha akong tanga at tingin sa akin ng ibang tao ay mababa…wala kasi akong permanenteng sagot. Lagi na lang, feeling ko, ewan ko lang ha pero, sabi kasi ni ano eh,… tapos pag nakumpirmang mali, maninisi ng ibang tao o kaya naman idadahilang nag-jojoke lang ako. Haaay, ano ba yan Katy tsk tsk tsk. Kaya lahat ng sasabihin ko mula ngayon, paninindigan ko na!

10. Ipapahinga muna ang puso

.039 FIN

Nobyembre 19, 2010 § 14 mga puna

Wala na kami ni Nicha. Bakit? Wala lang, narealized ko lang na ayaw ko na sa kanya. Hindi yan ang rason ko. Bakit nga ba? Wala lang, hindi niya lang ako kayang ipaglaban. Hindi sapat ang pagmamahal niya sakin para protektahan at ipaglaban niya ito sa harap ng mga magulang ko. Hindi niya ito ginawa. Hinding-hindi niya ito gagawin para sa akin. At ako naman na tatanga-tanga, handang makipaglaban…wala pala siyang balak samahan ako sa giyera. Tangina niya.

Sa totoo lang, ang tagal kong hinintay ang paghihiwalay namin. Marami akong naisip na scenario sa utak ko kung paano namin iiwan ang isa’t-
isa. Kalokohan. Oo. Alam naman natin na wala talagang patutunguhan ang isang klaseng relasyon tulad ng mayroon ako…dati ๐Ÿ™‚ At dahil pinaghandaan ko talaga ito, akala ko hindi ako masasaktan. Sa wakas, binitawan na niya ako. Hindi ko lang masabi kung ang dahilan ng pag-
iyak ko ay kasiyahan sa pagkawala sa kapit niya o dahil sa sakit ng pagkabagsak ko.

Nagsisisi ako ngayon at marami akong nasayang dahil sa kanya. Hindi ko na iisa-isahin. Shit lang talaga.

Ano ba talaga nangyari? Nalaman kasi ng parents ko na patago akong nakikipagkita sa kanya. Tumatakas ako para sa kanya. Sinira ko tiwala sakin ng mga magulang ko para sa kanya. Nagsinungaling ako para sa kanya. Hindi ko namalayang marami na pala akong nagawa para sa kanya. Kaya naman inasahang kong may gagawin siya para sa akin for the last time at yun ay ipagtanggol at humarap sa parents ko kahit alam namin magagalit sila sa amin. Pero hindi, natakot siya. Dineny pa ako ng gago. Kaya ayun, mag-isa kong hinarap ang parusa para sa aming dalawa.

Pero dahil dito, napatunayan ko na naman kung gaano ako kamahal ng mga magulang ko pati na rin ng korean sister ko. Medyo nahuli man sila ng pagsalo sakin at bumagsak na ako sa lupa, tinayo nila ako ulit at hindi nila ako bibitawan hangga’t matuto ulit akong makalakad mag-isa. Hindi man ako swerte sa pag-ibig, pero sa pamilya, ako na ang luckiest.

Sa ngayon, magpapaka-good girl na ako. Wag kayong magtataka kung maiba ang mood ng mga susunod ko na posts haha At pwede niyo pa rin akong tawaging Katy. Yan na rin ang tawag sa akin ng mga bago kong kakilala. Tapos na ang pagiging bitter ko. Pinagtatawanan ko na nga sarili ko eh. Sa totoo lang, ayoko na maalala siya at hindi ako bitter ๐Ÿ˜€

Ngayon, mas lalo ako naging determinadong gumanda buhay ko. Dinagdag ko na siya sa listahan ng mga kumag na pakikitaan ko ng kaya kong gawin. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang hindi man lang siya nag-
effort ipaglaban ako…ayy hindi pala. Pagsisisihan niyang na-inlove ako sa kanya. Oo, siya may kasalanan nun ๐Ÿ™‚

.035 I want…

Oktubre 31, 2010 § 2 mga puna

Napansin ko ang bilis ng takbo ng araw. November na! Malapit na mag-xmas! Matatapos na ang 2010…yes! partey partey na ulit ๐Ÿ˜€

Dahil ang bilis nga ng takbo ng oras, naiiwanan ako nito palagi. Sometimes, nakakahabol ako…pero minsan lang yan. Sino ba naman kasi ang nag-train diyan kay time at ang bilis na ng takbo? Parang dati lang, naglalakad lang ako, nadadapa pa minsan eh pag lumilingon ako, nasa likod ko pa rin si time. Ako lagi ang nauuna sa kanya. Siguro may bumulong sa kanya at sinabihan siyang tanga, kaya ayun, naghanap ng trainer, ang bilis na ng takbo… hindi na masabayan ng iba…hindi mo na rin makita dahil sa bilis, malalaman mo na lang na nakadaan na siya sayo kanina pa. Competitive na siya. Hindi na raw siya magpapatalo kahit na kanino. Siya na raw si Mighty Time!

Uhm ok, naisip ko lang yan kanina. Bago kasi ako kumain ng chichirya para sa breakfast, 9 am ang sabi ng orasan. Ngumuya, lumunok, uminom ng tubig…11 na?! Nag-isip ng mga ginawa sa nakalipas na dalawang oras…tumingin ulit sa orasan…12 na?!

Siguro sanay na kayo na walang maintindihan sa blog na ‘to. Wala kayong mapupulot na kahit ano dito. Kaya sige, layas! hahahaha

Magkwekwento ulit ako tungkol sa syota ko. Ayy ayaw mo? Ok sige, next time na lang ๐Ÿ™‚

kaka-post ko lang kanina, magpopost ulit ako ngayon. who fcuking cares? ๐Ÿ˜‰

Ok magkwekwento ulit ako tungkol sa syota ko. Hindi kami masaya ngayon. Ako lang pala. Ewan ko sa kanya. Bastaaa. Ano ba kasi ang nangyayari samin? Oh well, ikakasal lang naman kasi siya. Engagement pa lang naman daw…pampalubag loob, gago. Hindi sakin. Sa ibang babae. Alam ko naman na magyayari ‘to, umpisa pa lang…pero kala ko matagal pa. Sabi niya, itatry niya best niya para tumagal pa siya dito sa Dubai, para daw makasama pa niya ako. Ang sweet! sabi ko. Mamatay ka na. sabi ko ulit. sabay walk out. Hindi na talaga kami nagkikita. Iniiwasan ko na siya. Kami pa rin ba? Oo? Siguro? Kasi hindi pa rin niya ako pinapakawalan…kaya nahihirapan ako…? Hindi ko alam kung ito talaga ang dahilan ng mga luha ko. Hindi ko alam kung saan galing ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na ako magsalita ๐Ÿ˜

Kaya gusto ko na matapos ang 2010. Medyo malas ako buong taon eh…sana bukas 2011 na ๐Ÿ™‚

.034

Oktubre 26, 2010 § 11 mga puna

Busy ako these days. Hindi dahil may trabaho na ako…naghahanap pa rin ako ng work ๐Ÿ™‚ Mukhang walang effect ang strategy ko sa mga interviews. Yung dalawang previous company ko kasi, malalaking company… ang tinatry ko ngayon pasukin eh yung maliliit lang. Unfortunately, hindi gumagana ang strategy ko sa kanila na…Smile at pagpapa-cute ๐Ÿ™‚

Anyway, may tumblr na nga pala ako. Wala namang laman yan… hindi ko pa alam kung paano ayusin.

Baka na-miss niyo si chekwa. Sa totoo lang, wala na siya dito sa Dubai. Pagkabalik ko dito galing pilipins, wala na siya. Umuwi na raw ng China. Tinakasan ang utang dito. Loko yun, hindi man lang nagpaalam ๐Ÿ˜ฆ ayan, wala na tuloy akong bestfriend dito ๐Ÿ˜

Kakatapos ko lang panoorin ang City Hall. Korean drama. Maganda. Nakakatawa. … ๐Ÿ™‚

Kamusta na kami ni nicha? Ewan. Ok? Parang hindi naman. Honestly, hinihintay ko na lang siyang i-let go niya ako.

.028 My life is fcking great

Setyembre 19, 2010 § 10 mga puna

Ewan ko. Ang bait masyado sakin ni Lord. Lahat na binigay niya sakin maliban sa isang bagay…utak. ๐Ÿ˜ฆ ๐Ÿ˜ ๐Ÿ™‚ ๐Ÿ˜€ ๐Ÿ˜‰

.026

Setyembre 16, 2010 § 4 mga puna

Iuupdate ko lang kayo sa pimples ko ๐Ÿ˜€ Ano daw?! Hahaha

Superduperkaloka Happy lang talaga ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil tambay parin ako ngayon. Hindi. Siguro dahil friends ko na mga ipis dito sa bahay. Hindi ata. Siguro dahil mas happy kami ngayon ni Nicha iiiiiiihhhhhh Hindi siguro. Pero sa totoo lang…kasiiii… walaaa… naaa akooong tigidig! Partey na!

Ilang araw ko rin iniyakan ang pimples ko. Stressed talaga ako dahil dito. Wala akong pakielam kahit tawanan nila ako dahil masyado akong mababaw, pimple lang iiyakan. Sa huli sila rin ang naiyak, sabi ko kasi ngayon ko lang naramdaman ang buong buhay nilang dinaranas, ang maging pangit. Ooops, napa-over the bakod ako ๐Ÿ˜

Siguro effective din na nilublob ko ang mukha ko sa tubig dagat. Mahapdi man, tiniis ko talaga. Ngayon, maganda na ulit ako! hahahaha

Feeling naman ni Nicha dahil sa kanya kaya nawala tigidig ko. Simula kasi nung Sunday, nung nagkita ulit kami, nagsimulang mag-clear ang skin ko. Blooming na ulit ako. Hindi ko man gustong isipin na dahil nagkikita na ulit kami kaya ako nagiging blooming… pero parang ganun na nga hehehehe

.025 A day spent with him

Setyembre 13, 2010 § 6 mga puna

Hinding hindi ko malilimutan ang muling pagkita namin ni Nicha kahapon. Hindi ako masyado makatulog nung gabi bago kami magkita, excited masyado. Dalawang oras lang siguro tulog ko haha. Gumising din ako ng maaga kasi maaga rin siya dadating. We don’t wanna waste time. Kaya 9 ng umaga, andito na siya sa bahay.

Speechless ako nung makita ko siya. Pano ba naman parehas kami may malaki at maiitim na eyebags, parehas kaming hindi nakatulog hahahaha. Niyakap niya ako tapos naka-ilang beses niyang binulong, ‘Unbelievable’.

Kumain muna ng breakfast tapos naglampungan na. Charot lang haha. Namiss lang talaga namin ang isa’t-isa. Tahimik lang ako buong araw, nakikinig sa mga kwento niya. Sa totoo lang sa tuwing magkasama kami, hindi ko mapigilang hindi tumitig sa kanya…lalo na kahapon, dahil matagal-tagal ko na rin hindi nakita face niya.ย Sabi niya, tumaba daw ako. Lalo na mukha ko. Kaasar. And oh well, nagustuhan niya ang reddish brown hair ko.

Ang lunch namin ay ang isa’t-isa ๐Ÿ™‚ ย Buong araw kami magkayakap, parehas naming hiniling na sana magkayakap na lang kami forever. Dahil puyat kami parehas, nakatulog kami. Ang sarap ng feeling pag gising mo, nasa tabi mo ang taong pinakamamahal mo ๐Ÿ™‚ Haaaaaay, namiss ko nanaman siya.

Kakadalaw lang niya sa akin ngayon. Dapat lalabas kami kaya lang kailangan kong mag pahinga, ang sakit kasi ng katawan ko…may pagka-maaksyon kami kahapon kaya eto nanghihina ako hehehehe

.023

Setyembre 9, 2010 § 6 mga puna

Madami akong gustong sabihin ngayon kaya carry lang sa mga makakabasa nito ah haha ๐Ÿ˜€

Best friends na kami ni Chekwa. Paano nangyari yun? Naalala niyo ito?

Chekwa: (sa kabilang linya) I like you very much. Letโ€™s date!

Minura ko siya. Siyempre sa Filipino. Tumawa lang siya ng malakas. Parang mangkukulam amp. Tinatakot lang daw niya ako kasi mukha daw akong takot na takot sa kanya. Well, totoo ang sinasabi niya. Gusto lang niya makipag-friends. Kaya ang plano kong pagpatay sa kanya ay nacancelled. Pagkatapos ng araw na yun, tambayan ko na ang parlor niya hahahaha kulang na lang magtrabaho ako dun at manggahasa rin ng buhok ng mga costumer.

L’oreal daw english name niya. Tawa ako ng tawa ng marinig ko sa kanya to. Wala na bang mas original sa pangalan na yan? Sabi ko sa kanya tawagin ko na lang siyang Chekwa…tutal chekwa naman talaga siya. Oo naman kaagad ang loka. Sinabihan ko rin siyang pumunta dito sa blog ko… eto text niya sakin.. ‘you talking bout me? i understood your blog. not nice. pls take down that pic of yours at the top, i got virus ^_^’ Tinulungan siya ng Google Translate para itranslate ang blog ko. Tinry ko rin ito, nakakatawa. Try mo rin sa blog mo! Daliiiii hahaha. Basta BFF na kami ni Chekwa.

Eid Mubarak! Sa wakas tapos na ang ramadan. Makikita ko na ulit si Nicha. One month din kami hindi nagkita, parang nasa long distance relationship lang. Araw-araw naman kaming magkausap sa phone at nagchachat pero hindi pa rin enough yun. Miss na miss ko na siya. Kahit na katabi ko na siya, namimiss ko pa rin siya. Labo. Anyway, kaya naman hindi kami nagkikita, hindi kasi ako makatakas sa reyna at hari hahaha. Lahat kasi dito half day lang sa work kapag ramadan, kaya nauunang umuwi sila keysa kay boyfriend. Haay, complicated much.ย Basta sa linggo, buong araw kami magsasama! At hindi na ako makapaghintay. Sana patay na lahat pimples ko sa araw na yun hahaha. Gusto ko na rin siya ipakilala kay chekwa hehehe

Speaking of pimples, hindi gumana ang mga ointment na binigay ng dermatologist na friend ng sister ko…LUMALAAAA PA. Kaya naman, naghanap ako ng ibang skin care specialist..naks. Hindi daw kasi siya dermatologist, skin care specialist lang naman daw. Anyway, sabi niya sakin, wala na akong pag-asa. It’s pay back time kasi mahilig akong manlait ng mga taong pimple na tinubuan ng mukha dati. Masyado daw akong conceited. Hahahaha. May inoffer naman ang specialist sa akin…puputukin daw niya pimples ko. Naalala ko tuloy si chekwa hahaha. Yun na lang daw ang natitirang solusyon. Kaya lang, magkakalubak-lubak naman daw face ko. No thanks na lang.

Kaya naman ako na lang ang naghanap ng solusyon para sa mukha ko. Nagbasa-basa ng mga reviews tungkol sa mga skin care products. So bumili ako ng bagong facial wash tsaka acne spot treatment gel…AAAAAAHHHH! Ang sakiiiiit! yan ang sigaw ko kapag inaapply ko ang treatment gel. Super hapdi talaga. Walang kupas. Nakakailang araw na ako naglalagay nito, umaga at gabi…hindi pa rin ako sanay sa sakit. Napapaiyak pa rin ako nito.

Bumili kami ni Chekwa ng nail polish. Isang set. Isang dosena ang laman for 10dhs. Ayaw niya kasi pagamit ang mga mamahalin niyang nail polish sa akin. Sabi niya di bale nang cheap ang gamitin namin, wag lang sa costumers niya. Che. Amoy elmer’s glue ang nail polish na nabili namin. Tinry kong ilagay sa papel at patungan ito ng isang papel, GLUE nga ito na may color! Keribels lang. So apply apply lang ng nail polish. Tapos! Ang cute. Napakamot sa tiyan at sa ulo. Nagtext, nag-type sa keyboard. Naghugas ng kamay. Tae! Wala ng kulay kuko ko! Saan napunta yung kakalagay ko lang na cutix? !

… last na ‘to

Gusto kong gumanda boses ko.

.020 Happiness andย Love

Agosto 29, 2010 § 8 mga puna

Dear Papa Jesus,

Naalala niyo po yung dati kong hiling sa inyo? Yung ano po… yung gusto ko po maranasang ma-inlove? Yung gusto ko po may tatawagin akong ‘honey’ o kaya ‘baby’? Yung gusto ko po may nagpapatibok sa puso ko? Yung gusto ko pong may magmamahal sa akin? Well, alam ko po na kayo yun… ang walang sawang nagmamahal sa akin ๐Ÿ™‚

Pero do you remember po yung nagpasalamat po ako sa inyo kasi napagbigyan niyo ako sa gusto ko? Yung binigay niyo po sa akin si Nicha. Ngayon na iniisip ko po siya, napapangiti nanaman po ako. Para sa akin po blessing niyo po siya sa akin kahit iba ang iniisip ng ibang tao. Kahit magka-iba kami ng kinalakihan, ugali, kulay, salita, lahi, nangako po ako sa inyo na aalagaan ko po siya kasi bigay niyo sa akin.

Kaya lang hindi pa man kami tumatagal, hindi pa sapat ang mga araw ng aming pagsasama para masabing memories, bumitaw na ako. Nakita niyo na naman po akong umiyak. Siguro po iniisip niyo, ‘Ano ba talaga gusto ng anak ko?’.

Nilayuan ko po si Nicha. Ang dami kasing nagsasabi sa akin na wag kong ituloy, ako rin ang masasaktan. Mali ito. Lolokohin lang ako. Magka-iba kami. Sabi ko sa kanila, tama na. Wala na kami. Masaya na kayo? Bakit ganun, masakit? Kala ko ba pag tinapos ko ito hindi ako masasaktan? Eh bakit ang sakit?

Naguluhan po ako. Humiling na naman po ng liwanag mula sa inyo. Gumawa po kayo ng daan para magkita muli kami ni Nicha. Nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap. Masyado po akong naging selfish, hindi ko naisip ang nararamdaman niya. Hindi ko pinansin ang paghihirap niya kasi feeling ko ako lang talaga ang nasaktan…siya rin pala. Ako lang po pala ang dahilan kung bakit hindi kami nag-uusap…hindi ko kasi sinasagot mga text at tawag niya, pati na rin mga message niya sa ym at fb.

Pinanood ko po siyang umiyak at nagmakaawa sa harapan ko. Eto na naman ang sakit ko sa dibdib. Bakit ganun po, ang dami ng lalaki ang umiyak sa harapan ko at nilayasan ko pero sa pagkakataong ito, may pumipigil sa aking tumayo sa kinauupuan ko at nakiki-iyak ako sa kanya? Siguro nga po, siya na ang pinili kong mahalin.

Humingi na naman po ako sa inyo ng confirmation…siya na po ba talaga? Hindi ko na po nahintay ang sagot ninyo kasi sumagot ng OO ang puso ko. I know narinig niyo po ang sigaw ng puso ko. Pasensya na po. Eto na naman po ako. Hindi ko na naman po alam kung nawawala ako ng landas. Siguro iisipin ko na lang po na WILL niyo ito ๐Ÿ™‚

Sa ngayon po nakikita niyo ako na masayang-masaya. Hindi man mukhang healthy ang katawan ko, pero ang puso ko ay sobrang taba. Lagi po ako sa inyong nagpapasalamat sa blessing na binigay niyo sa akin. Hindi po ako humihiling ng kahit ano pa para sa relasyong ito o umaasa ng kahit ano man kasi masaya na po ako na kasama at minamahal ako ni Nicha~

Nagmamahal ng lubos,

Katy ๐Ÿ™‚

Nagkabalikan na kami ni boyfriend. Actually, I wrote that some days ago sa journal ko ๐Ÿ™‚ Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang mga nangyari. Naaalala ko pa rin ang pakiramdam ko before, during at after ng pagkikita namin. Kaba, lungkot, saya, lahat na. Ilang araw ko pinaghandaan ang sasabihin sa kanya. Sinulat ko pa. May rehearsal pa. Pero nung nakita na siya, biglang nag off ang utak ko. Siyam na beses niyang tinakpan mukha niya para hindi ko siya makitang umiyak. Parang ilang araw na nakalipas pag natatahimik ang paligid. Wala masyadong usapan na nanggaling sa bibig… dinaan namin sa mata. Hindi ko inaasahang magkakaintindihan kami. Tatlong beses pumatak luha ko…eto yung mga hindi ko napigilan. Pero kung hinayaan ko ang mga luha ko lumbas, siguro humagulgol ako sa harapan niya. Hindi ko alam kung saan napunta ang mga tao noong mga oras na yun…parang kaming dalawa lang ang buhay. Nakakapanghina man, parehas kaming nagising. Parehas may natutunan. Parehas namin tinanggap ang ย katotohanan. Nangakong sabay haharapin ang mundo.

Masyadong ma-drama talaga ang araw na yun hahaha. Buti na lang happy ang ending ย ๐Ÿ™‚ Hindi ko man magagawa sa ngayon ang mga binbalak ko dati pag nagkaboyfriend ako, masaya na rin ako. In fact, super happy talaga ako, hindi ko lang alam kung paano ko maipapakita sa post na ito kung gaano ako kasaya =D

.017ย Heartbreaker

Agosto 22, 2010 § 7 mga puna

Kilala ako bilang isang Heartbreaker…hangiiiiin~…TOTOO nga sinasabi ko!

Nagsimula ito noong naisama ako ng friend ko magpaayos ng mobile niya. Ang nagmamay-ari ng shop ay isang kano na magician. Nagpakitang gilas siya. In fairness, napahanga ako sa kanya. Hindi lang siya magikero, manghuhula pa siya. Kinuha niya kamay ko at tiningnan…tumawa siya ng malakas. Parang nabastos ako…parang sinasabi niyang ang pangit ng kapalaran ko…Muntikan ko na siyang sampalin. He said, I’m a very simple girl. TAMA!… and there are many guys surrounding me…uhmm, medyo tama hehe…and I’m a heartbreaker. errr. and soon, lahat ng guys na nakapalibot sakin ay sasaktan ko. Na-weirduhan kami ng friend ko kaya lumayas kami sa shop niya. Hindi kasi makatarungan ang sinabi niya! Pero nangyari nga ito. Lahat sila sinaktan ko. I broke their hearts.

Kaya ito na tawag sa akin ng friends ko. Hindi ko naman pinanindigan na heartbreaker ako. Nagkakataon lang. Kaya kapag may nagpapakita ng interes sa akin at mukha siyang kawawa, sasabihan na siya ng friends ko na lumayo at wag nang umasa, masasaktan lang siya. Hindi ko naman gustong manakit eh…hindi lang talaga ako interesado sa kanila.

Mga lalaki kasi na yan (hindi lahat ng guys) lalapit sayo at aaligid kapag nakitang maganda ka. Lalo na kapag nalaman nilang hindi ka pa nagpapaloko sa mga katulad nila. Walang experience kumbaga. Sabi nga ni Oscar Wilde, ย ‘Men always want to be a woman’s first love – women like to be a man’s last romance.’

Kaya siguro ako kinarma. First time ko ma-inlove, sakit lang sa puso ang nakuha ko. Heartbroken…just like what I do to those guys na iniwan ko sa ere. I broke their hearts…and someone broke mine.

Ngayon single na ulit ako diba, biglang dumami na naman ang suitors. Pero this time, they know na heartbroken ako…nag-iiba pala ang style ng panliligaw depende sa sitwasyon ng nililigawan.

Yung isa, nalaman niyang wala na kami ni bf, nagtanong kung pwedeng manligaw, sabi ko ayoko, sabi niya sige na~, sabi ko ok payn…kinabukasan, nagtatanong kung pwede na ba maging kami…?! Para daw mas madali kong maforget si ex. Right now, he is trying to reach me through texts, calls, fb…buti na lang may call reject feature ang mobile ko ๐Ÿ™‚

May isa naman, supah aggressive. Umpisa pa lang ayoko na sa kanya. I told him na I don’t really like him. Sabi niya, just try talking to him… ok fine… Lagi niyang namimis-interpret ang sinasabi ko. Feeling niya gusto ko rin siya..hell no! Just to make him mad, I told him na nakipagbalikan na ako kay ex. Aba, nagalit nga! Siya pa may ganang i-block ako sa fb account niya!! Huling binitawang salita niya sakin, ‘Don’t say sorry! I will not listen to you! No more! I will delete you.’ Napamura na lang ako eh.

Mayroon naman isa na tinakot ako. Pag hindi ko siya sinagot, sasabihin niya sa parents ko na nagka-syota akong pana. Dayum! Wala ngi isa sa kanila ang nakakaalam kung anong lahi ang naging syota ko. Wala akong kinekwento sa kanila, sinabi ko lang sa kanila dati na masakit pa puso ko dahil sa kakahiwalay ko lang sa boypren ko. Siguro nabasa ng siraulo na yun ‘tong blog ko. Napatanong ako sa kanya, ‘Pano mo naman nasabing pana ang syota ko?’ sagot niya ‘Wala lang, nakakahiya kasi kapag pana ang naging syota mo.’ Siyet! Buti na lang napigilan ko sarili kong sampalin siya. Bilang ganti, tinulak ko siya sa escalator, at yun ang sanhi ng pagkamatay niya. Siyempre charot lang yan. Pero sana mamatay na nga siya.

Isa na lang ang hindi ko nasasaktan. Si Bestfriend. Nasa pinas siya ngayon. Tinutulungan niya akong bumangon. Lagi tuloy ako nag-oonline dahil sa kanya, gustung-gusto ko kasi makipag-usap sa kanya eh most especially when he is giving me advice…lagi kong narerealize na tanga ako kapag kausap ko siya. Pero ngayon medyo awkward na…kasi naman, naiinlove na siya sakin. Kung bakit naman daw na ngayon malayo na ako at tsaka niya naramdaman ito. Ngayon, hindi na tuloy ako masyadong nag-oonline. Nagmemessage na lang siya sakin sa fb…kung minsan hindi na ako nagrereply. He knows me. Alam na niya ang mangyayari sa kanya.

Napansin ng friends ko ang style ko. Ipapakita ko sa lalaki na may interes ako sa kanya. Pag napansin kong obsessed na siya sakin, bigla na lang ako mawawala. Hindi ko na siya papansinin, parang walang nangyari. At hanggang ngayon, yan pa rin ang ginagawa ko sa mga lalaki.

Heartbreaker ako… patuloy akong mananakit ng tao hangga’t may nagkakagusto sa akin… Kaya ako kinakarma eh.

Where Am I?

You are currently browsing the love life category at by the way, i'm no katy..