.039 FIN

Nobyembre 19, 2010 § 14 mga puna

Wala na kami ni Nicha. Bakit? Wala lang, narealized ko lang na ayaw ko na sa kanya. Hindi yan ang rason ko. Bakit nga ba? Wala lang, hindi niya lang ako kayang ipaglaban. Hindi sapat ang pagmamahal niya sakin para protektahan at ipaglaban niya ito sa harap ng mga magulang ko. Hindi niya ito ginawa. Hinding-hindi niya ito gagawin para sa akin. At ako naman na tatanga-tanga, handang makipaglaban…wala pala siyang balak samahan ako sa giyera. Tangina niya.

Sa totoo lang, ang tagal kong hinintay ang paghihiwalay namin. Marami akong naisip na scenario sa utak ko kung paano namin iiwan ang isa’t-
isa. Kalokohan. Oo. Alam naman natin na wala talagang patutunguhan ang isang klaseng relasyon tulad ng mayroon ako…dati πŸ™‚ At dahil pinaghandaan ko talaga ito, akala ko hindi ako masasaktan. Sa wakas, binitawan na niya ako. Hindi ko lang masabi kung ang dahilan ng pag-
iyak ko ay kasiyahan sa pagkawala sa kapit niya o dahil sa sakit ng pagkabagsak ko.

Nagsisisi ako ngayon at marami akong nasayang dahil sa kanya. Hindi ko na iisa-isahin. Shit lang talaga.

Ano ba talaga nangyari? Nalaman kasi ng parents ko na patago akong nakikipagkita sa kanya. Tumatakas ako para sa kanya. Sinira ko tiwala sakin ng mga magulang ko para sa kanya. Nagsinungaling ako para sa kanya. Hindi ko namalayang marami na pala akong nagawa para sa kanya. Kaya naman inasahang kong may gagawin siya para sa akin for the last time at yun ay ipagtanggol at humarap sa parents ko kahit alam namin magagalit sila sa amin. Pero hindi, natakot siya. Dineny pa ako ng gago. Kaya ayun, mag-isa kong hinarap ang parusa para sa aming dalawa.

Pero dahil dito, napatunayan ko na naman kung gaano ako kamahal ng mga magulang ko pati na rin ng korean sister ko. Medyo nahuli man sila ng pagsalo sakin at bumagsak na ako sa lupa, tinayo nila ako ulit at hindi nila ako bibitawan hangga’t matuto ulit akong makalakad mag-isa. Hindi man ako swerte sa pag-ibig, pero sa pamilya, ako na ang luckiest.

Sa ngayon, magpapaka-good girl na ako. Wag kayong magtataka kung maiba ang mood ng mga susunod ko na posts haha At pwede niyo pa rin akong tawaging Katy. Yan na rin ang tawag sa akin ng mga bago kong kakilala. Tapos na ang pagiging bitter ko. Pinagtatawanan ko na nga sarili ko eh. Sa totoo lang, ayoko na maalala siya at hindi ako bitter πŸ˜€

Ngayon, mas lalo ako naging determinadong gumanda buhay ko. Dinagdag ko na siya sa listahan ng mga kumag na pakikitaan ko ng kaya kong gawin. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang hindi man lang siya nag-
effort ipaglaban ako…ayy hindi pala. Pagsisisihan niyang na-inlove ako sa kanya. Oo, siya may kasalanan nun πŸ™‚

§ 14 Responses to .039 FIN

Mag-iwan ng puna

What’s this?

You are currently reading .039 FIN at by the way, i'm no katy..

meta