.023

Setyembre 9, 2010 § 6 mga puna

Madami akong gustong sabihin ngayon kaya carry lang sa mga makakabasa nito ah haha 😀

Best friends na kami ni Chekwa. Paano nangyari yun? Naalala niyo ito?

Chekwa: (sa kabilang linya) I like you very much. Let’s date!

Minura ko siya. Siyempre sa Filipino. Tumawa lang siya ng malakas. Parang mangkukulam amp. Tinatakot lang daw niya ako kasi mukha daw akong takot na takot sa kanya. Well, totoo ang sinasabi niya. Gusto lang niya makipag-friends. Kaya ang plano kong pagpatay sa kanya ay nacancelled. Pagkatapos ng araw na yun, tambayan ko na ang parlor niya hahahaha kulang na lang magtrabaho ako dun at manggahasa rin ng buhok ng mga costumer.

L’oreal daw english name niya. Tawa ako ng tawa ng marinig ko sa kanya to. Wala na bang mas original sa pangalan na yan? Sabi ko sa kanya tawagin ko na lang siyang Chekwa…tutal chekwa naman talaga siya. Oo naman kaagad ang loka. Sinabihan ko rin siyang pumunta dito sa blog ko… eto text niya sakin.. ‘you talking bout me? i understood your blog. not nice. pls take down that pic of yours at the top, i got virus ^_^’ Tinulungan siya ng Google Translate para itranslate ang blog ko. Tinry ko rin ito, nakakatawa. Try mo rin sa blog mo! Daliiiii hahaha. Basta BFF na kami ni Chekwa.

Eid Mubarak! Sa wakas tapos na ang ramadan. Makikita ko na ulit si Nicha. One month din kami hindi nagkita, parang nasa long distance relationship lang. Araw-araw naman kaming magkausap sa phone at nagchachat pero hindi pa rin enough yun. Miss na miss ko na siya. Kahit na katabi ko na siya, namimiss ko pa rin siya. Labo. Anyway, kaya naman hindi kami nagkikita, hindi kasi ako makatakas sa reyna at hari hahaha. Lahat kasi dito half day lang sa work kapag ramadan, kaya nauunang umuwi sila keysa kay boyfriend. Haay, complicated much. Basta sa linggo, buong araw kami magsasama! At hindi na ako makapaghintay. Sana patay na lahat pimples ko sa araw na yun hahaha. Gusto ko na rin siya ipakilala kay chekwa hehehe

Speaking of pimples, hindi gumana ang mga ointment na binigay ng dermatologist na friend ng sister ko…LUMALAAAA PA. Kaya naman, naghanap ako ng ibang skin care specialist..naks. Hindi daw kasi siya dermatologist, skin care specialist lang naman daw. Anyway, sabi niya sakin, wala na akong pag-asa. It’s pay back time kasi mahilig akong manlait ng mga taong pimple na tinubuan ng mukha dati. Masyado daw akong conceited. Hahahaha. May inoffer naman ang specialist sa akin…puputukin daw niya pimples ko. Naalala ko tuloy si chekwa hahaha. Yun na lang daw ang natitirang solusyon. Kaya lang, magkakalubak-lubak naman daw face ko. No thanks na lang.

Kaya naman ako na lang ang naghanap ng solusyon para sa mukha ko. Nagbasa-basa ng mga reviews tungkol sa mga skin care products. So bumili ako ng bagong facial wash tsaka acne spot treatment gel…AAAAAAHHHH! Ang sakiiiiit! yan ang sigaw ko kapag inaapply ko ang treatment gel. Super hapdi talaga. Walang kupas. Nakakailang araw na ako naglalagay nito, umaga at gabi…hindi pa rin ako sanay sa sakit. Napapaiyak pa rin ako nito.

Bumili kami ni Chekwa ng nail polish. Isang set. Isang dosena ang laman for 10dhs. Ayaw niya kasi pagamit ang mga mamahalin niyang nail polish sa akin. Sabi niya di bale nang cheap ang gamitin namin, wag lang sa costumers niya. Che. Amoy elmer’s glue ang nail polish na nabili namin. Tinry kong ilagay sa papel at patungan ito ng isang papel, GLUE nga ito na may color! Keribels lang. So apply apply lang ng nail polish. Tapos! Ang cute. Napakamot sa tiyan at sa ulo. Nagtext, nag-type sa keyboard. Naghugas ng kamay. Tae! Wala ng kulay kuko ko! Saan napunta yung kakalagay ko lang na cutix? !

… last na ‘to

Gusto kong gumanda boses ko.

§ 6 Responses to .023

Mag-iwan ng puna

What’s this?

You are currently reading .023 at by the way, i'm no katy..

meta