.017 Heartbreaker

Agosto 22, 2010 § 7 mga puna

Kilala ako bilang isang Heartbreaker…hangiiiiin~…TOTOO nga sinasabi ko!

Nagsimula ito noong naisama ako ng friend ko magpaayos ng mobile niya. Ang nagmamay-ari ng shop ay isang kano na magician. Nagpakitang gilas siya. In fairness, napahanga ako sa kanya. Hindi lang siya magikero, manghuhula pa siya. Kinuha niya kamay ko at tiningnan…tumawa siya ng malakas. Parang nabastos ako…parang sinasabi niyang ang pangit ng kapalaran ko…Muntikan ko na siyang sampalin. He said, I’m a very simple girl. TAMA!… and there are many guys surrounding me…uhmm, medyo tama hehe…and I’m a heartbreaker. errr. and soon, lahat ng guys na nakapalibot sakin ay sasaktan ko. Na-weirduhan kami ng friend ko kaya lumayas kami sa shop niya. Hindi kasi makatarungan ang sinabi niya! Pero nangyari nga ito. Lahat sila sinaktan ko. I broke their hearts.

Kaya ito na tawag sa akin ng friends ko. Hindi ko naman pinanindigan na heartbreaker ako. Nagkakataon lang. Kaya kapag may nagpapakita ng interes sa akin at mukha siyang kawawa, sasabihan na siya ng friends ko na lumayo at wag nang umasa, masasaktan lang siya. Hindi ko naman gustong manakit eh…hindi lang talaga ako interesado sa kanila.

Mga lalaki kasi na yan (hindi lahat ng guys) lalapit sayo at aaligid kapag nakitang maganda ka. Lalo na kapag nalaman nilang hindi ka pa nagpapaloko sa mga katulad nila. Walang experience kumbaga. Sabi nga ni Oscar Wilde,  ‘Men always want to be a woman’s first love – women like to be a man’s last romance.’

Kaya siguro ako kinarma. First time ko ma-inlove, sakit lang sa puso ang nakuha ko. Heartbroken…just like what I do to those guys na iniwan ko sa ere. I broke their hearts…and someone broke mine.

Ngayon single na ulit ako diba, biglang dumami na naman ang suitors. Pero this time, they know na heartbroken ako…nag-iiba pala ang style ng panliligaw depende sa sitwasyon ng nililigawan.

Yung isa, nalaman niyang wala na kami ni bf, nagtanong kung pwedeng manligaw, sabi ko ayoko, sabi niya sige na~, sabi ko ok payn…kinabukasan, nagtatanong kung pwede na ba maging kami…?! Para daw mas madali kong maforget si ex. Right now, he is trying to reach me through texts, calls, fb…buti na lang may call reject feature ang mobile ko 🙂

May isa naman, supah aggressive. Umpisa pa lang ayoko na sa kanya. I told him na I don’t really like him. Sabi niya, just try talking to him… ok fine… Lagi niyang namimis-interpret ang sinasabi ko. Feeling niya gusto ko rin siya..hell no! Just to make him mad, I told him na nakipagbalikan na ako kay ex. Aba, nagalit nga! Siya pa may ganang i-block ako sa fb account niya!! Huling binitawang salita niya sakin, ‘Don’t say sorry! I will not listen to you! No more! I will delete you.’ Napamura na lang ako eh.

Mayroon naman isa na tinakot ako. Pag hindi ko siya sinagot, sasabihin niya sa parents ko na nagka-syota akong pana. Dayum! Wala ngi isa sa kanila ang nakakaalam kung anong lahi ang naging syota ko. Wala akong kinekwento sa kanila, sinabi ko lang sa kanila dati na masakit pa puso ko dahil sa kakahiwalay ko lang sa boypren ko. Siguro nabasa ng siraulo na yun ‘tong blog ko. Napatanong ako sa kanya, ‘Pano mo naman nasabing pana ang syota ko?’ sagot niya ‘Wala lang, nakakahiya kasi kapag pana ang naging syota mo.’ Siyet! Buti na lang napigilan ko sarili kong sampalin siya. Bilang ganti, tinulak ko siya sa escalator, at yun ang sanhi ng pagkamatay niya. Siyempre charot lang yan. Pero sana mamatay na nga siya.

Isa na lang ang hindi ko nasasaktan. Si Bestfriend. Nasa pinas siya ngayon. Tinutulungan niya akong bumangon. Lagi tuloy ako nag-oonline dahil sa kanya, gustung-gusto ko kasi makipag-usap sa kanya eh most especially when he is giving me advice…lagi kong narerealize na tanga ako kapag kausap ko siya. Pero ngayon medyo awkward na…kasi naman, naiinlove na siya sakin. Kung bakit naman daw na ngayon malayo na ako at tsaka niya naramdaman ito. Ngayon, hindi na tuloy ako masyadong nag-oonline. Nagmemessage na lang siya sakin sa fb…kung minsan hindi na ako nagrereply. He knows me. Alam na niya ang mangyayari sa kanya.

Napansin ng friends ko ang style ko. Ipapakita ko sa lalaki na may interes ako sa kanya. Pag napansin kong obsessed na siya sakin, bigla na lang ako mawawala. Hindi ko na siya papansinin, parang walang nangyari. At hanggang ngayon, yan pa rin ang ginagawa ko sa mga lalaki.

Heartbreaker ako… patuloy akong mananakit ng tao hangga’t may nagkakagusto sa akin… Kaya ako kinakarma eh.

§ 7 Responses to .017 Heartbreaker

Mag-iwan ng puna

What’s this?

You are currently reading .017 Heartbreaker at by the way, i'm no katy..

meta