.020 Happiness and Love

Agosto 29, 2010 § 8 mga puna

Dear Papa Jesus,

Naalala niyo po yung dati kong hiling sa inyo? Yung ano po… yung gusto ko po maranasang ma-inlove? Yung gusto ko po may tatawagin akong ‘honey’ o kaya ‘baby’? Yung gusto ko po may nagpapatibok sa puso ko? Yung gusto ko pong may magmamahal sa akin? Well, alam ko po na kayo yun… ang walang sawang nagmamahal sa akin 🙂

Pero do you remember po yung nagpasalamat po ako sa inyo kasi napagbigyan niyo ako sa gusto ko? Yung binigay niyo po sa akin si Nicha. Ngayon na iniisip ko po siya, napapangiti nanaman po ako. Para sa akin po blessing niyo po siya sa akin kahit iba ang iniisip ng ibang tao. Kahit magka-iba kami ng kinalakihan, ugali, kulay, salita, lahi, nangako po ako sa inyo na aalagaan ko po siya kasi bigay niyo sa akin.

Kaya lang hindi pa man kami tumatagal, hindi pa sapat ang mga araw ng aming pagsasama para masabing memories, bumitaw na ako. Nakita niyo na naman po akong umiyak. Siguro po iniisip niyo, ‘Ano ba talaga gusto ng anak ko?’.

Nilayuan ko po si Nicha. Ang dami kasing nagsasabi sa akin na wag kong ituloy, ako rin ang masasaktan. Mali ito. Lolokohin lang ako. Magka-iba kami. Sabi ko sa kanila, tama na. Wala na kami. Masaya na kayo? Bakit ganun, masakit? Kala ko ba pag tinapos ko ito hindi ako masasaktan? Eh bakit ang sakit?

Naguluhan po ako. Humiling na naman po ng liwanag mula sa inyo. Gumawa po kayo ng daan para magkita muli kami ni Nicha. Nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap. Masyado po akong naging selfish, hindi ko naisip ang nararamdaman niya. Hindi ko pinansin ang paghihirap niya kasi feeling ko ako lang talaga ang nasaktan…siya rin pala. Ako lang po pala ang dahilan kung bakit hindi kami nag-uusap…hindi ko kasi sinasagot mga text at tawag niya, pati na rin mga message niya sa ym at fb.

Pinanood ko po siyang umiyak at nagmakaawa sa harapan ko. Eto na naman ang sakit ko sa dibdib. Bakit ganun po, ang dami ng lalaki ang umiyak sa harapan ko at nilayasan ko pero sa pagkakataong ito, may pumipigil sa aking tumayo sa kinauupuan ko at nakiki-iyak ako sa kanya? Siguro nga po, siya na ang pinili kong mahalin.

Humingi na naman po ako sa inyo ng confirmation…siya na po ba talaga? Hindi ko na po nahintay ang sagot ninyo kasi sumagot ng OO ang puso ko. I know narinig niyo po ang sigaw ng puso ko. Pasensya na po. Eto na naman po ako. Hindi ko na naman po alam kung nawawala ako ng landas. Siguro iisipin ko na lang po na WILL niyo ito 🙂

Sa ngayon po nakikita niyo ako na masayang-masaya. Hindi man mukhang healthy ang katawan ko, pero ang puso ko ay sobrang taba. Lagi po ako sa inyong nagpapasalamat sa blessing na binigay niyo sa akin. Hindi po ako humihiling ng kahit ano pa para sa relasyong ito o umaasa ng kahit ano man kasi masaya na po ako na kasama at minamahal ako ni Nicha~

Nagmamahal ng lubos,

Katy 🙂

Nagkabalikan na kami ni boyfriend. Actually, I wrote that some days ago sa journal ko 🙂 Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang mga nangyari. Naaalala ko pa rin ang pakiramdam ko before, during at after ng pagkikita namin. Kaba, lungkot, saya, lahat na. Ilang araw ko pinaghandaan ang sasabihin sa kanya. Sinulat ko pa. May rehearsal pa. Pero nung nakita na siya, biglang nag off ang utak ko. Siyam na beses niyang tinakpan mukha niya para hindi ko siya makitang umiyak. Parang ilang araw na nakalipas pag natatahimik ang paligid. Wala masyadong usapan na nanggaling sa bibig… dinaan namin sa mata. Hindi ko inaasahang magkakaintindihan kami. Tatlong beses pumatak luha ko…eto yung mga hindi ko napigilan. Pero kung hinayaan ko ang mga luha ko lumbas, siguro humagulgol ako sa harapan niya. Hindi ko alam kung saan napunta ang mga tao noong mga oras na yun…parang kaming dalawa lang ang buhay. Nakakapanghina man, parehas kaming nagising. Parehas may natutunan. Parehas namin tinanggap ang  katotohanan. Nangakong sabay haharapin ang mundo.

Masyadong ma-drama talaga ang araw na yun hahaha. Buti na lang happy ang ending  🙂 Hindi ko man magagawa sa ngayon ang mga binbalak ko dati pag nagkaboyfriend ako, masaya na rin ako. In fact, super happy talaga ako, hindi ko lang alam kung paano ko maipapakita sa post na ito kung gaano ako kasaya =D

§ 8 Responses to .020 Happiness and Love

Mag-iwan ng puna

What’s this?

You are currently reading .020 Happiness and Love at by the way, i'm no katy..

meta