.043 ang koreana kong kapatid

Disyembre 11th, 2010 § Mga Puna

Hindi siya galing korea. Pero mukha siyang korean. Dahil maraming tao ang pumapansin sa korean face niya, pinanindigan niya ito. Nagdamit korean. Nagkikikilos korean. Nag-aral ng korean. Kumakain ng korean. Nagbabasa at nagsasalita ng korean. Nagsusulat pa ng korean. Nanonood at nakikinig ng korean. Kumakanta at sumasayaw ng korean. Ang tanging cute sa paningin niya ay mga korean. Nagbakasakaling maging korean. Kaya naman cute na cute talaga ‘tong kapatid ko…isa siyang korean na nagsasalita ng Filipino. Isang korean na nanggaling sa dalawang Filipinong magulang. Isang korean na may magandang kapatid, ako yun! Isa man siyang korean sa paningin ng ibang tao…siya pa rin si ‘Bubut’ na kapatid ko :)

Sa totoo lang kaya naman ako nagkekwento tungkol sa kapatid ko ay dahil sa tuwang-tuwa ako sa bagong pangalan na binigay ko sa kanya, ‘Bubut’… Pano ba naman, ginupit ang bangs. Kalahati na lang ng noo niya bangs niya. Hindi pa pantay-pantay. Hindi niya pwedeng i-clip o taliin kasi super iksi na nito. Ganunpaman, tumatabi pa naman ako sa kanya sa labas kahit nagkukunwari akong hindi ko siya kilala :)

.042

Disyembre 11th, 2010 § Mga Puna

Ngayong pasko wala na akong ibang hihilingin kundi makakain ng spaghetti ni nanay :) Huling kain ko ng spaghetti ay nung…hindi ko na matandaan…bastaa ang tagal na. Kaya super excited na ako mag-pasko para lang lumamon hehehe

Dahil wala naman talaga akong mga friends dito, hindi ko kelangang gumastos at bumili ng mga regalo :) Kaya this christmas, reregaluhan ko lang family ko and of course, sarili ko :) Nakabili na ako ng gifts sa kanila, in fact, binigay ko na sa kanila pagkatapos ko ipurchase. Hindi ko na kailangang balutin kasi sila naman pumili at ngayon nagagamit na nila. Iniisip ko na lang ay kung anong magandang i-regalo sa sarili.

May wishlist din naman ako, katulad ninyo, pero ayoko i-share :) Yun din naman ang wishlist ko last year at nung naunang year pa…matagal na wishes ko na ang mga bagay na yun…at siguro mananatili sa wishlist ko ang mga yun hanggang sa mga susunod na taon :)

Sa ngayon, ito lang ang mga pinagpipilian ko i-regalo sa sarili ko:

1. Napakagandang Eyeliner na kulay itim

Marami pa akong eyeliner sa loob ng make-up kit ko… at dahil marami akong eyeliner, naisipan kong gawin itong collection :) Sa totoo lang, hindi ako mahilig magmake-up. Pag naffeel kong may mamimeet akong gwapo tsaka lang ako magpapaganda hehe. Hindi ako naglalagay ng foundation o kung anuman…eyeliner lang :)

2. Malaking PANDA stuffed toy

Lima na panda kong laruan na hindi ko naman ginagalaw…wala lang. Pampasikip ng space sa bahay :) Eto kasi collection ko dati, puro panda ang gamit ko pati na rin mga damit ko. Idol ko kasi mga panda eh. Nabuhay sila para humilata, lumamon, maglaro at magpacute.

3. Pink na lipstick

Pampasok sa office araw-araw. Baka sakaling maging close kami ni bossing. Medyo awkward kasi kaming dalawa…kelangan ng common ground at sa tingin ko, mahilig siya sa pink na lipstick. NOTE: lalaki si boss…sabi niya :)  

4. Strap ng gitara

Para tuwing day-off, lalabas ako ng bahay dala ang gitara, maglalakad-lakad, uupo sa gilid ng kalye, tutugtog….instant cash~ Pag may pulis, madaling tumakbo kasama ang gitara :)

5. Peace of mind

Pwede rin ito ang iregalo ko sa sarili ko. Hindi ko kelangang maglabas ng pera…kaya at peace ang mind ko :) Madaling maachieve.

.041

Disyembre 5th, 2010 § Mga Puna

Masaya ako. At ang daming rason kung bakit ako masaya. Pinakauna dito ay dahil maswerte ko sa maraming bagay. Hindi ko na iisa-isahin. Magpapasalamat na lang ako sa itaas. Nagpasalamat na ako at patuloy na magpapasalamat. Hindi ako madalas magsimba pero noong friday, sumama ako sa pamilya kong magsimba. Ang homily ni Fr. Tom ay tungkol sa mga taong napasok sa isang malaking pagkakamali at kung paano sila makakaalis o matatapos ito. Ang tanging paraan lang na nasabi ni Fr ay umpisa pa lang, putulin na ito. Ang gulo nga eh. Pero naisip ko, nagawa ko na ito. May mga bagay akong tinapos kaagad. Marami nang bagay sa buhay ko ang natapos. Malaki o maliit man ito…lahat posible kasi lahat may katapusan. Hindi ko sasabihing marami na akong napagdaanan kasi bata pa ako, marami pa akong pagdadaanan. Pero masasabi ko na sa mga napagdaanan ko na, natapos naman lahat…hindi nga lang matiwasay yung iba, pero wala na ngayon. Mga problema ko dati, tapos na, hindi ko na problema ngayon. Mga utang ko dati, nabayaran ko na :) Kaya siguro ako masaya ngayon… tapos na lahat. Nagsisimula na muli ako ng tama.

Haaaay nako..parang karugtong ito ng last post ko :)  Hanggang ngayon kasi ay nagpaplano pa ako sa buhay ko hehehe Kailan ko uumpisahan ba? Bukas. Pramis.

Anyway, gusto ko lang talaga magpasalamat kay kikilabotz sa pag-appreciate ng beauty ko at sa pagpopost ng picture ko for the first time sa internet. Sa totoo lang pakalat-kalat na pictures ko sa internet…wag kayo mag-alala, ako rin naman ang nagkakalat ng mukha ko :) Hindi nga lang ako naglalagay dito sa blog ko kasi dito, bastos, walang hiya at totoo ako…at tanggap ako ng mga nakakabasa…hindi ba? :|

Pero ano ba ikakatakot ko? Maganda naman ako hahaha. Kaya sige, makapaglagay na nga litrato ko dito paminsan-minsan :) ok lang ba?

.040 Pagbabago

Nobyembre 27th, 2010 § Mga Puna

Yes, nadamitan din sa wakas ‘tong blog ko :) Maraming salamat kay jec at pinagbigyan niya ang hiling ko :) Ansaya ko super, hindi ko kelangan magmakaawa sa kanya para matulungan ako hehehe. Bago pa niya gawing business ang pagdadamit ng mga blog, nagpagawa na ako sa kanya para libre :) Maraming salamat ulit jec~!

Ngayon bago na ang itsura nitong pinagsusulatan ko ng buhay ko. Balak ko na rin na kahit papaano ay magbago. Hindi pa New Year pero pwede ko na simulan ngayon :) Ngayon na may trabaho na ako, ngayon na single na ulit ako, ngayon na nagbalik loob na ako sa mga magulang ko.

Ano naman ang babaguhin ni Katy? Eh ang perfect niya na ah! Alam ko yan ang reaksyon niyo nung sinabi ko na magbabago ako hahahahaha joke. Eto-eto ang mga balak kong baguhin sa sarili ko, sa routine ko, sa buhay ko:

1. Magtatanong kung hindi alam.

Hindi dahil feeling ko alam ko na ang lahat. Ako lang talaga yung klase ng tao na hindi matanong. Bata pa lang ako, wala na akong pakielam sa mga bagay-bagay. Ayokong mag-explore. Sa school, pag medyo hindi gets ang isang bagay, magdadasal at maghihintay na ibang kaklase ang magtanong. Ganito ako dati at gusto ko na baguhin ito. Ako kasi ang nahihirapan eh.

2. Hindi na muna manlalalaki

Hindi ko naman ito talaga ginagawa. Ang ibig kong sabihin…ano…uhm…alam niyo na..kasi ang isang tulad ko, hindi ko maiwasang hindi maakit sakin ang mga kalalakihan. Ang hirap kayang hindi sila pansinin. Gusto ko rin naman silang pasalamatan at naappreciate nila beauty ko. Pero sa ngayon, magsusungit na ako. Pag hindi ka gwapo, sorry hindi kita papansinin. Babawasan ko muna ang mga lalaki sa paligid ko para maaliwalas sa paningin. Sa totoo lang, natatakot na ako na maulit ang isa sa maraming trahedya sa buhay ko…ang ma-inlove. Kaya habang may mga lalaki, may chance ako ma-inlove…kaya for now, hindi ko muna kayo papansinin :)

3. Papasok ng maaga sa office

Never ako na-late…lagi akong on-time. And when I say on time. 9 ang pasok ko, saktong 9 ang tapak ko sa loob ng opisina. Naisip ko na hindi magandang makasanayan ito. Araw-araw akong tumatakbo papunta sa train station at nanunulak papasok sa tren. Lagi akong naghahabol ng hininga. Lagi akong haggard pumapasok sa office. Sayang naman at naligo pa ako at nagsuklay bago umalis ng bahay.

4.  Babawasan ang oras ng pagharap sa salamin

Wala naman na kasi mababago sa face ko kahit ilang oras ko pa titigan ito…kanina ko lang narealize yan :)

5. Maglalagay na ng mga pictures dito

Feeling ko kasi ang boring nitong blog ko…puro walang kakwenta-kwentang kwento. At dahil gumanda na ang itsura nito (thanks again to jec :) ) kelangan kahit papaano mag-effort naman akong pagandahin mga post ko diba? hehehehe

6. Hindi ko na gagawing tanga sarili ko

Madalas akong magpakilala sa tao na ako’y isang tanga pero mabait :) Kaya, tinatrato din nila akong tanga. Alam kong marami pa akong kelangang malaman…pero dapat malaman din ng ibang tao na may alam din naman ako sa ibang bagay :) Nagkukunwari kasi akong walang alam minsan…kaya ayun, naconvince ko sila at sarili ko na tanga me :)

7. Tatapusin lahat ng sinumulan

Isa ito sa mga sakit ko. Nagbasa ng libro, tinamad, sinara ang libro at hindi na ito babalikan muli. Nakinig sa isang kanta, hindi pa tapos ang kanta, nilipat na sa susunod na kanta. Mabilis kasi akong ma-bore. Pag hindi na ako nag-eenjoy, iiwan ko na ito at magsisimula ulit gumawa ng isang bagay… hanggang sa nasimulan ko na lahat at wala nang natapos.

8. Kakain ng gulay

Joke time lang ‘to :)

9. Panindigan lahat ng sinabi

Madalas kong kinakain lahat ng sinasabi ko. Ang sarap kasi eh :) Kaya siguro nagmumukha akong tanga at tingin sa akin ng ibang tao ay mababa…wala kasi akong permanenteng sagot. Lagi na lang, feeling ko, ewan ko lang ha pero, sabi kasi ni ano eh,… tapos pag nakumpirmang mali, maninisi ng ibang tao o kaya naman idadahilang nag-jojoke lang ako. Haaay, ano ba yan Katy tsk tsk tsk. Kaya lahat ng sasabihin ko mula ngayon, paninindigan ko na!

10. Ipapahinga muna ang puso

.039 FIN

Nobyembre 19th, 2010 § Mga Puna

Wala na kami ni Nicha. Bakit? Wala lang, narealized ko lang na ayaw ko na sa kanya. Hindi yan ang rason ko. Bakit nga ba? Wala lang, hindi niya lang ako kayang ipaglaban. Hindi sapat ang pagmamahal niya sakin para protektahan at ipaglaban niya ito sa harap ng mga magulang ko. Hindi niya ito ginawa. Hinding-hindi niya ito gagawin para sa akin. At ako naman na tatanga-tanga, handang makipaglaban…wala pala siyang balak samahan ako sa giyera. Tangina niya.

Sa totoo lang, ang tagal kong hinintay ang paghihiwalay namin. Marami akong naisip na scenario sa utak ko kung paano namin iiwan ang isa’t-
isa. Kalokohan. Oo. Alam naman natin na wala talagang patutunguhan ang isang klaseng relasyon tulad ng mayroon ako…dati :) At dahil pinaghandaan ko talaga ito, akala ko hindi ako masasaktan. Sa wakas, binitawan na niya ako. Hindi ko lang masabi kung ang dahilan ng pag-
iyak ko ay kasiyahan sa pagkawala sa kapit niya o dahil sa sakit ng pagkabagsak ko.

Nagsisisi ako ngayon at marami akong nasayang dahil sa kanya. Hindi ko na iisa-isahin. Shit lang talaga.

Ano ba talaga nangyari? Nalaman kasi ng parents ko na patago akong nakikipagkita sa kanya. Tumatakas ako para sa kanya. Sinira ko tiwala sakin ng mga magulang ko para sa kanya. Nagsinungaling ako para sa kanya. Hindi ko namalayang marami na pala akong nagawa para sa kanya. Kaya naman inasahang kong may gagawin siya para sa akin for the last time at yun ay ipagtanggol at humarap sa parents ko kahit alam namin magagalit sila sa amin. Pero hindi, natakot siya. Dineny pa ako ng gago. Kaya ayun, mag-isa kong hinarap ang parusa para sa aming dalawa.

Pero dahil dito, napatunayan ko na naman kung gaano ako kamahal ng mga magulang ko pati na rin ng korean sister ko. Medyo nahuli man sila ng pagsalo sakin at bumagsak na ako sa lupa, tinayo nila ako ulit at hindi nila ako bibitawan hangga’t matuto ulit akong makalakad mag-isa. Hindi man ako swerte sa pag-ibig, pero sa pamilya, ako na ang luckiest.

Sa ngayon, magpapaka-good girl na ako. Wag kayong magtataka kung maiba ang mood ng mga susunod ko na posts haha At pwede niyo pa rin akong tawaging Katy. Yan na rin ang tawag sa akin ng mga bago kong kakilala. Tapos na ang pagiging bitter ko. Pinagtatawanan ko na nga sarili ko eh. Sa totoo lang, ayoko na maalala siya at hindi ako bitter :D

Ngayon, mas lalo ako naging determinadong gumanda buhay ko. Dinagdag ko na siya sa listahan ng mga kumag na pakikitaan ko ng kaya kong gawin. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang hindi man lang siya nag-
effort ipaglaban ako…ayy hindi pala. Pagsisisihan niyang na-inlove ako sa kanya. Oo, siya may kasalanan nun :)

.038 Walkathon

Nobyembre 13th, 2010 § Mga Puna

Unang tingin mo sakin, alam mo nang hindi ako nag-eexercise, hindi ako kumakain, mahilig ako sa panda at in love ako. Anyway, sumama kami sa kalokohang inorganize ng Landmark, Walkathon 2010 Beat Diabetes. Ininvite kami ng isang malapit na kaibigan ni mommy na nagwowork sa Landmark. Kaya kahapon, ginising ako ng nagpakaaga para maghanda sa event na ‘to.

Pagdating doon, marami nang tao. Binigyan kami ng t-shirt, cap tsaka bimbo. Badtrip, dapat suotin ang shirt na bigay nila…uniform ba. Kaya ayun, pati cap suot-suot ko katulad ng mga tao na nandoon at gumising din ng maaga. Ok ang event…for a cause kasi…mas ok sana kung gising na gising ako at hindi ako naghihihikab habang naglalakad.

Never ako sumali sa mga ganitong kalokohan. Absent nga ako palagi sa mga fun run sa school. Inaavoid ko talaga ang mga ganito kasi nakakapagod. Ayokong feeling ang naghahabol ng hininga at nanghihina na para bang mamatay na ako. Kahapon naman ay naglakad lang naman kami. Walkathon nga eh :) Kaya no worries.

Wala lang. Gusto ko lang ishare na naglakad ako kasama ang 8k na tao kahapon dito sa Dubai at nakalibre kami ng breakfast (na walang lasa).

.037 Taurus

Nobyembre 11th, 2010 § Mga Puna

Marami akong na-meet na na taong pinanganak ng April 20 – May 21. Isa na ako doon and we share the same sign, Taurus.

Ayoko ng Taurus kasi toro. Hindi bagay sa panlabas na anyo ko :) color brown pa, hindi cute haha

Dalawang tao na ang nag-explain at nagpaintindi sa akin ng mga characteristics ng isang bull sa magkaibang lugar at panahon. Sa totoo lang feeling ko dinedescribe lang nila sarili nila. May pagkakapareho sila ng sinabi at marami ring naiba…magkasalungat pa nga. Ako na nakikinig lang ay naguguluhan.

Tumatango at kunwari umaagree sa mga pinagsasabi nila…kunwari naiintindihan at nakakarelate. May mga sinabi naman sila na tumugma sakin kaya napapapalpak ako kung minsan. Pero kapag hindi ako sumasang-ayon, hindi ko sinasabi…ngingiti lang ako. Naisip ko kasi baka gusto lang talaga nila na may mapagsabihan ng kanilang buhay…mga nagawa, accomplishment at failure nila. Siguro naramdaman nila na maiintindihan ko naman sila kasi Taurus din ako…fellow-toro. Hindi na daw sila loner.

Magkaiba sila ng way na pag-explain. Ung isa comedy. Nakakaaliw. Unemployed siya for 10 years now pero buhay pa rin siya. Nakakatuwa strategy niya. Hindi ko iseshare sainyo kasi sakin lang naman kinwento haha selfish naman pala. Basta nakakatuwang makita siyang masaya and at the same time contented kung anong meron siya. Ung pangalawa naman puro kayabangan. Boss kasi siya dito sa new company ko. Nung nalaman niyang Taurus din ako, puro yun na lang pinaguusapan namin. Para sa kanya, pinakamagandang sign ang Taurus. Kung kaya niyang gawin ang isang bagay, kaya ko rin. Ang taas tuloy ng expectation niya sa akin. Siyempre hindi perfect lahat ng ginagawa ko kaya ayun medyo nadisappoint ko siya. Lagi niya akong pinagsasabihan na ito ang taurus blablabla…haay. Gusto ko sanang sabihin sa kanya, ‘Hindi ako ikaw! Magkaiba tayo! Ikaw na ang toro…ako, diyosa! Hayop ka!’ oops sorry na-carried away hahaha

Dahil sa kanila, masasabi kong walang kwenta ang mga zodiac signs. Hindi nito kayang i-define ang isang tao. Ewan ko, siguro tumutugma ang ugali niyo sa kung anuman sinasabi nila tungkol sa zodiac sign niyo…pero sa akin, hindi. :)

.036

Nobyembre 4th, 2010 § Mga Puna

Nasa work ako ngayon at tamad na tamad ako. Wala pa akong isang linggo, nagrereklamo na ako hahaha.
Sa totoo lang, swerte ako sa work na ‘to. Simple lang naman ang kelangang gawin. Masaya pang kasama ang mga katrabaho ko dito. Ok pa ang sahod ko :) AT TWO DAYS ang off ko :D ansaya lang hehehe
Isang lang problema ko, ang boring.

.035 I want…

Oktubre 31st, 2010 § Mga Puna

Napansin ko ang bilis ng takbo ng araw. November na! Malapit na mag-xmas! Matatapos na ang 2010…yes! partey partey na ulit :D

Dahil ang bilis nga ng takbo ng oras, naiiwanan ako nito palagi. Sometimes, nakakahabol ako…pero minsan lang yan. Sino ba naman kasi ang nag-train diyan kay time at ang bilis na ng takbo? Parang dati lang, naglalakad lang ako, nadadapa pa minsan eh pag lumilingon ako, nasa likod ko pa rin si time. Ako lagi ang nauuna sa kanya. Siguro may bumulong sa kanya at sinabihan siyang tanga, kaya ayun, naghanap ng trainer, ang bilis na ng takbo… hindi na masabayan ng iba…hindi mo na rin makita dahil sa bilis, malalaman mo na lang na nakadaan na siya sayo kanina pa. Competitive na siya. Hindi na raw siya magpapatalo kahit na kanino. Siya na raw si Mighty Time!

Uhm ok, naisip ko lang yan kanina. Bago kasi ako kumain ng chichirya para sa breakfast, 9 am ang sabi ng orasan. Ngumuya, lumunok, uminom ng tubig…11 na?! Nag-isip ng mga ginawa sa nakalipas na dalawang oras…tumingin ulit sa orasan…12 na?!

Siguro sanay na kayo na walang maintindihan sa blog na ‘to. Wala kayong mapupulot na kahit ano dito. Kaya sige, layas! hahahaha

Magkwekwento ulit ako tungkol sa syota ko. Ayy ayaw mo? Ok sige, next time na lang :)

kaka-post ko lang kanina, magpopost ulit ako ngayon. who fcuking cares? ;)

Ok magkwekwento ulit ako tungkol sa syota ko. Hindi kami masaya ngayon. Ako lang pala. Ewan ko sa kanya. Bastaaa. Ano ba kasi ang nangyayari samin? Oh well, ikakasal lang naman kasi siya. Engagement pa lang naman daw…pampalubag loob, gago. Hindi sakin. Sa ibang babae. Alam ko naman na magyayari ‘to, umpisa pa lang…pero kala ko matagal pa. Sabi niya, itatry niya best niya para tumagal pa siya dito sa Dubai, para daw makasama pa niya ako. Ang sweet! sabi ko. Mamatay ka na. sabi ko ulit. sabay walk out. Hindi na talaga kami nagkikita. Iniiwasan ko na siya. Kami pa rin ba? Oo? Siguro? Kasi hindi pa rin niya ako pinapakawalan…kaya nahihirapan ako…? Hindi ko alam kung ito talaga ang dahilan ng mga luha ko. Hindi ko alam kung saan galing ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na ako magsalita :|

Kaya gusto ko na matapos ang 2010. Medyo malas ako buong taon eh…sana bukas 2011 na :)

.035 !!!

Oktubre 31st, 2010 § Mga Puna

Ok, may trabaho na ko. Partey na ‘to!  

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.