.047
Enero 20th, 2011 § Mga Puna
May blog pa nga pala ako. Nakalimutan ko nang magkwento dito at magkwento sa iba. Nitong mga nakaraang araw, tahimik lang ako. Hindi masyadong nagsasalita. Hindi umiimik. Hindi pa ako baliw. Hindi ko lang trip magsalita. Hindi naman din akong masalitang tao kaya hindi rin naman napapansin ng mga tao sa paligid ko. Sa totoo lang sabik na sabik na akong magkwento pero parang hindi naman interesado ang mga tao sa mga sasabihin ko kaya wag na lang…
Bumili ako ng notebook na super mahal. Moleskine. Wala na nga akong pera, binili ko pa. Impulse buyer nga naman. Nung nasa pilipins pa ako, may exchange gift tapos yung nabunot ko gusto makatanggap ng isang moleskine na notebook. Hanap ako ng hanap sa pilipins wala akong makita…actually meron pero ang mahal, nahirapan lang talaga akong maghanap ng murang moleskine. Kaya nung nakakita ako dito, binili ko kaagad. Ang sarap sa feeling na makahanap ng matagal ko nang hinahanap. Pero nung nasa counter na at sinabi na sakin kung magkano, yun lang, bakit ko ba dinala to sa counter? Anyway, binili ko na lang para may magamit din ako.
Medyo useful naman din ito para sakin. Medyo busy na kasi ako sa work at hindi na nakakapag-internet kaya lahat ng iniisip ko, naisusulat ko dito. Lahat ng walang kakwenta-kwentang bagay tulad ng may umapak sa akin sa tren kanina, hindi marunong mag-sorry, aba sinambunutan ko nga. Pati bilang ng utot ko sa araw na yun nasulat ko pa, kinakabagan na pala ako.
Kaya siguro hindi ako masyadong nagsasalita, kasi may kausap na ako…yung notebook ko. Hindi ko pa siya nabibigyan ng pangalan pero kaibigan ko siya. Lahat ng sinasabing maganda, mura o masasakit na salita, tinatanggap lang nito at pakiramdam ko nakikinig siya sa akin at hindi niya ito malilimutan dahil nakatatak na lahat ng sinabi ko sa kanya.
Haaaay. Pag narealize mong kausap mo lang din sarili mo pag nagsusulat ka sa notebook, mapapa-haaaaay ka na lang.
.043 ang koreana kong kapatid
Disyembre 11th, 2010 § Mga Puna
Hindi siya galing korea. Pero mukha siyang korean. Dahil maraming tao ang pumapansin sa korean face niya, pinanindigan niya ito. Nagdamit korean. Nagkikikilos korean. Nag-aral ng korean. Kumakain ng korean. Nagbabasa at nagsasalita ng korean. Nagsusulat pa ng korean. Nanonood at nakikinig ng korean. Kumakanta at sumasayaw ng korean. Ang tanging cute sa paningin niya ay mga korean. Nagbakasakaling maging korean. Kaya naman cute na cute talaga ‘tong kapatid ko…isa siyang korean na nagsasalita ng Filipino. Isang korean na nanggaling sa dalawang Filipinong magulang. Isang korean na may magandang kapatid, ako yun! Isa man siyang korean sa paningin ng ibang tao…siya pa rin si ‘Bubut’ na kapatid ko
Sa totoo lang kaya naman ako nagkekwento tungkol sa kapatid ko ay dahil sa tuwang-tuwa ako sa bagong pangalan na binigay ko sa kanya, ‘Bubut’… Pano ba naman, ginupit ang bangs. Kalahati na lang ng noo niya bangs niya. Hindi pa pantay-pantay. Hindi niya pwedeng i-clip o taliin kasi super iksi na nito. Ganunpaman, tumatabi pa naman ako sa kanya sa labas kahit nagkukunwari akong hindi ko siya kilala
.042
Disyembre 11th, 2010 § Mga Puna
Ngayong pasko wala na akong ibang hihilingin kundi makakain ng spaghetti ni nanay
Huling kain ko ng spaghetti ay nung…hindi ko na matandaan…bastaa ang tagal na. Kaya super excited na ako mag-pasko para lang lumamon hehehe
Dahil wala naman talaga akong mga friends dito, hindi ko kelangang gumastos at bumili ng mga regalo
Kaya this christmas, reregaluhan ko lang family ko and of course, sarili ko
Nakabili na ako ng gifts sa kanila, in fact, binigay ko na sa kanila pagkatapos ko ipurchase. Hindi ko na kailangang balutin kasi sila naman pumili at ngayon nagagamit na nila. Iniisip ko na lang ay kung anong magandang i-regalo sa sarili.
May wishlist din naman ako, katulad ninyo, pero ayoko i-share
Yun din naman ang wishlist ko last year at nung naunang year pa…matagal na wishes ko na ang mga bagay na yun…at siguro mananatili sa wishlist ko ang mga yun hanggang sa mga susunod na taon
Sa ngayon, ito lang ang mga pinagpipilian ko i-regalo sa sarili ko:
1. Napakagandang Eyeliner na kulay itim
Marami pa akong eyeliner sa loob ng make-up kit ko… at dahil marami akong eyeliner, naisipan kong gawin itong collection
Sa totoo lang, hindi ako mahilig magmake-up. Pag naffeel kong may mamimeet akong gwapo tsaka lang ako magpapaganda hehe. Hindi ako naglalagay ng foundation o kung anuman…eyeliner lang
2. Malaking PANDA stuffed toy
Lima na panda kong laruan na hindi ko naman ginagalaw…wala lang. Pampasikip ng space sa bahay
Eto kasi collection ko dati, puro panda ang gamit ko pati na rin mga damit ko. Idol ko kasi mga panda eh. Nabuhay sila para humilata, lumamon, maglaro at magpacute.
3. Pink na lipstick
Pampasok sa office araw-araw. Baka sakaling maging close kami ni bossing. Medyo awkward kasi kaming dalawa…kelangan ng common ground at sa tingin ko, mahilig siya sa pink na lipstick. NOTE: lalaki si boss…sabi niya
4. Strap ng gitara
Para tuwing day-off, lalabas ako ng bahay dala ang gitara, maglalakad-lakad, uupo sa gilid ng kalye, tutugtog….instant cash~ Pag may pulis, madaling tumakbo kasama ang gitara
5. Peace of mind
Pwede rin ito ang iregalo ko sa sarili ko. Hindi ko kelangang maglabas ng pera…kaya at peace ang mind ko
Madaling maachieve.
.040 Pagbabago
Nobyembre 27th, 2010 § Mga Puna
Yes, nadamitan din sa wakas ‘tong blog ko
Maraming salamat kay jec at pinagbigyan niya ang hiling ko
Ansaya ko super, hindi ko kelangan magmakaawa sa kanya para matulungan ako hehehe. Bago pa niya gawing business ang pagdadamit ng mga blog, nagpagawa na ako sa kanya para libre
Maraming salamat ulit jec~!
Ngayon bago na ang itsura nitong pinagsusulatan ko ng buhay ko. Balak ko na rin na kahit papaano ay magbago. Hindi pa New Year pero pwede ko na simulan ngayon
Ngayon na may trabaho na ako, ngayon na single na ulit ako, ngayon na nagbalik loob na ako sa mga magulang ko.
Ano naman ang babaguhin ni Katy? Eh ang perfect niya na ah! Alam ko yan ang reaksyon niyo nung sinabi ko na magbabago ako hahahahaha joke. Eto-eto ang mga balak kong baguhin sa sarili ko, sa routine ko, sa buhay ko:
1. Magtatanong kung hindi alam.
Hindi dahil feeling ko alam ko na ang lahat. Ako lang talaga yung klase ng tao na hindi matanong. Bata pa lang ako, wala na akong pakielam sa mga bagay-bagay. Ayokong mag-explore. Sa school, pag medyo hindi gets ang isang bagay, magdadasal at maghihintay na ibang kaklase ang magtanong. Ganito ako dati at gusto ko na baguhin ito. Ako kasi ang nahihirapan eh.
2. Hindi na muna manlalalaki
Hindi ko naman ito talaga ginagawa. Ang ibig kong sabihin…ano…uhm…alam niyo na..kasi ang isang tulad ko, hindi ko maiwasang hindi maakit sakin ang mga kalalakihan. Ang hirap kayang hindi sila pansinin. Gusto ko rin naman silang pasalamatan at naappreciate nila beauty ko. Pero sa ngayon, magsusungit na ako. Pag hindi ka gwapo, sorry hindi kita papansinin. Babawasan ko muna ang mga lalaki sa paligid ko para maaliwalas sa paningin. Sa totoo lang, natatakot na ako na maulit ang isa sa maraming trahedya sa buhay ko…ang ma-inlove. Kaya habang may mga lalaki, may chance ako ma-inlove…kaya for now, hindi ko muna kayo papansinin
3. Papasok ng maaga sa office
Never ako na-late…lagi akong on-time. And when I say on time. 9 ang pasok ko, saktong 9 ang tapak ko sa loob ng opisina. Naisip ko na hindi magandang makasanayan ito. Araw-araw akong tumatakbo papunta sa train station at nanunulak papasok sa tren. Lagi akong naghahabol ng hininga. Lagi akong haggard pumapasok sa office. Sayang naman at naligo pa ako at nagsuklay bago umalis ng bahay.
4. Babawasan ang oras ng pagharap sa salamin
Wala naman na kasi mababago sa face ko kahit ilang oras ko pa titigan ito…kanina ko lang narealize yan
5. Maglalagay na ng mga pictures dito
Feeling ko kasi ang boring nitong blog ko…puro walang kakwenta-kwentang kwento. At dahil gumanda na ang itsura nito (thanks again to jec
) kelangan kahit papaano mag-effort naman akong pagandahin mga post ko diba? hehehehe
6. Hindi ko na gagawing tanga sarili ko
Madalas akong magpakilala sa tao na ako’y isang tanga pero mabait
Kaya, tinatrato din nila akong tanga. Alam kong marami pa akong kelangang malaman…pero dapat malaman din ng ibang tao na may alam din naman ako sa ibang bagay
Nagkukunwari kasi akong walang alam minsan…kaya ayun, naconvince ko sila at sarili ko na tanga me
7. Tatapusin lahat ng sinumulan
Isa ito sa mga sakit ko. Nagbasa ng libro, tinamad, sinara ang libro at hindi na ito babalikan muli. Nakinig sa isang kanta, hindi pa tapos ang kanta, nilipat na sa susunod na kanta. Mabilis kasi akong ma-bore. Pag hindi na ako nag-eenjoy, iiwan ko na ito at magsisimula ulit gumawa ng isang bagay… hanggang sa nasimulan ko na lahat at wala nang natapos.
8. Kakain ng gulay
Joke time lang ‘to
9. Panindigan lahat ng sinabi
Madalas kong kinakain lahat ng sinasabi ko. Ang sarap kasi eh
Kaya siguro nagmumukha akong tanga at tingin sa akin ng ibang tao ay mababa…wala kasi akong permanenteng sagot. Lagi na lang, feeling ko, ewan ko lang ha pero, sabi kasi ni ano eh,… tapos pag nakumpirmang mali, maninisi ng ibang tao o kaya naman idadahilang nag-jojoke lang ako. Haaay, ano ba yan Katy tsk tsk tsk. Kaya lahat ng sasabihin ko mula ngayon, paninindigan ko na!
10. Ipapahinga muna ang puso
.038 Walkathon
Nobyembre 13th, 2010 § Mga Puna
Unang tingin mo sakin, alam mo nang hindi ako nag-eexercise, hindi ako kumakain, mahilig ako sa panda at in love ako. Anyway, sumama kami sa kalokohang inorganize ng Landmark, Walkathon 2010 Beat Diabetes. Ininvite kami ng isang malapit na kaibigan ni mommy na nagwowork sa Landmark. Kaya kahapon, ginising ako ng nagpakaaga para maghanda sa event na ‘to.
Pagdating doon, marami nang tao. Binigyan kami ng t-shirt, cap tsaka bimbo. Badtrip, dapat suotin ang shirt na bigay nila…uniform ba. Kaya ayun, pati cap suot-suot ko katulad ng mga tao na nandoon at gumising din ng maaga. Ok ang event…for a cause kasi…mas ok sana kung gising na gising ako at hindi ako naghihihikab habang naglalakad.
Never ako sumali sa mga ganitong kalokohan. Absent nga ako palagi sa mga fun run sa school. Inaavoid ko talaga ang mga ganito kasi nakakapagod. Ayokong feeling ang naghahabol ng hininga at nanghihina na para bang mamatay na ako. Kahapon naman ay naglakad lang naman kami. Walkathon nga eh
Kaya no worries.
Wala lang. Gusto ko lang ishare na naglakad ako kasama ang 8k na tao kahapon dito sa Dubai at nakalibre kami ng breakfast (na walang lasa).
.037 Taurus
Nobyembre 11th, 2010 § Mga Puna
Marami akong na-meet na na taong pinanganak ng April 20 – May 21. Isa na ako doon and we share the same sign, Taurus.
Ayoko ng Taurus kasi toro. Hindi bagay sa panlabas na anyo ko
color brown pa, hindi cute haha
Dalawang tao na ang nag-explain at nagpaintindi sa akin ng mga characteristics ng isang bull sa magkaibang lugar at panahon. Sa totoo lang feeling ko dinedescribe lang nila sarili nila. May pagkakapareho sila ng sinabi at marami ring naiba…magkasalungat pa nga. Ako na nakikinig lang ay naguguluhan.
Tumatango at kunwari umaagree sa mga pinagsasabi nila…kunwari naiintindihan at nakakarelate. May mga sinabi naman sila na tumugma sakin kaya napapapalpak ako kung minsan. Pero kapag hindi ako sumasang-ayon, hindi ko sinasabi…ngingiti lang ako. Naisip ko kasi baka gusto lang talaga nila na may mapagsabihan ng kanilang buhay…mga nagawa, accomplishment at failure nila. Siguro naramdaman nila na maiintindihan ko naman sila kasi Taurus din ako…fellow-toro. Hindi na daw sila loner.
Magkaiba sila ng way na pag-explain. Ung isa comedy. Nakakaaliw. Unemployed siya for 10 years now pero buhay pa rin siya. Nakakatuwa strategy niya. Hindi ko iseshare sainyo kasi sakin lang naman kinwento haha selfish naman pala. Basta nakakatuwang makita siyang masaya and at the same time contented kung anong meron siya. Ung pangalawa naman puro kayabangan. Boss kasi siya dito sa new company ko. Nung nalaman niyang Taurus din ako, puro yun na lang pinaguusapan namin. Para sa kanya, pinakamagandang sign ang Taurus. Kung kaya niyang gawin ang isang bagay, kaya ko rin. Ang taas tuloy ng expectation niya sa akin. Siyempre hindi perfect lahat ng ginagawa ko kaya ayun medyo nadisappoint ko siya. Lagi niya akong pinagsasabihan na ito ang taurus blablabla…haay. Gusto ko sanang sabihin sa kanya, ‘Hindi ako ikaw! Magkaiba tayo! Ikaw na ang toro…ako, diyosa! Hayop ka!’ oops sorry na-carried away hahaha
Dahil sa kanila, masasabi kong walang kwenta ang mga zodiac signs. Hindi nito kayang i-define ang isang tao. Ewan ko, siguro tumutugma ang ugali niyo sa kung anuman sinasabi nila tungkol sa zodiac sign niyo…pero sa akin, hindi.
.035 I want…
Oktubre 31st, 2010 § Mga Puna
Napansin ko ang bilis ng takbo ng araw. November na! Malapit na mag-xmas! Matatapos na ang 2010…yes! partey partey na ulit
Dahil ang bilis nga ng takbo ng oras, naiiwanan ako nito palagi. Sometimes, nakakahabol ako…pero minsan lang yan. Sino ba naman kasi ang nag-train diyan kay time at ang bilis na ng takbo? Parang dati lang, naglalakad lang ako, nadadapa pa minsan eh pag lumilingon ako, nasa likod ko pa rin si time. Ako lagi ang nauuna sa kanya. Siguro may bumulong sa kanya at sinabihan siyang tanga, kaya ayun, naghanap ng trainer, ang bilis na ng takbo… hindi na masabayan ng iba…hindi mo na rin makita dahil sa bilis, malalaman mo na lang na nakadaan na siya sayo kanina pa. Competitive na siya. Hindi na raw siya magpapatalo kahit na kanino. Siya na raw si Mighty Time!
Uhm ok, naisip ko lang yan kanina. Bago kasi ako kumain ng chichirya para sa breakfast, 9 am ang sabi ng orasan. Ngumuya, lumunok, uminom ng tubig…11 na?! Nag-isip ng mga ginawa sa nakalipas na dalawang oras…tumingin ulit sa orasan…12 na?!
Siguro sanay na kayo na walang maintindihan sa blog na ‘to. Wala kayong mapupulot na kahit ano dito. Kaya sige, layas! hahahaha
…
Magkwekwento ulit ako tungkol sa syota ko. Ayy ayaw mo? Ok sige, next time na lang
…
kaka-post ko lang kanina, magpopost ulit ako ngayon. who fcuking cares?
…
Ok magkwekwento ulit ako tungkol sa syota ko. Hindi kami masaya ngayon. Ako lang pala. Ewan ko sa kanya. Bastaaa. Ano ba kasi ang nangyayari samin? Oh well, ikakasal lang naman kasi siya. Engagement pa lang naman daw…pampalubag loob, gago. Hindi sakin. Sa ibang babae. Alam ko naman na magyayari ‘to, umpisa pa lang…pero kala ko matagal pa. Sabi niya, itatry niya best niya para tumagal pa siya dito sa Dubai, para daw makasama pa niya ako. Ang sweet! sabi ko. Mamatay ka na. sabi ko ulit. sabay walk out. Hindi na talaga kami nagkikita. Iniiwasan ko na siya. Kami pa rin ba? Oo? Siguro? Kasi hindi pa rin niya ako pinapakawalan…kaya nahihirapan ako…? Hindi ko alam kung ito talaga ang dahilan ng mga luha ko. Hindi ko alam kung saan galing ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na ako magsalita
Kaya gusto ko na matapos ang 2010. Medyo malas ako buong taon eh…sana bukas 2011 na
.034
Oktubre 26th, 2010 § Mga Puna
Busy ako these days. Hindi dahil may trabaho na ako…naghahanap pa rin ako ng work
Mukhang walang effect ang strategy ko sa mga interviews. Yung dalawang previous company ko kasi, malalaking company… ang tinatry ko ngayon pasukin eh yung maliliit lang. Unfortunately, hindi gumagana ang strategy ko sa kanila na…Smile at pagpapa-cute
Anyway, may tumblr na nga pala ako. Wala namang laman yan… hindi ko pa alam kung paano ayusin.
…
Baka na-miss niyo si chekwa. Sa totoo lang, wala na siya dito sa Dubai. Pagkabalik ko dito galing pilipins, wala na siya. Umuwi na raw ng China. Tinakasan ang utang dito. Loko yun, hindi man lang nagpaalam
ayan, wala na tuloy akong bestfriend dito
…
Kakatapos ko lang panoorin ang City Hall. Korean drama. Maganda. Nakakatawa. …
…
Kamusta na kami ni nicha? Ewan. Ok? Parang hindi naman. Honestly, hinihintay ko na lang siyang i-let go niya ako.
.031
Oktubre 10th, 2010 § Mga Puna
Isang advantage ng pagiging isang Katy ay ang pagiging lapitin ng mga bata. Advantage ‘to para sakin kasi mahilig ako sa mga chikiting…well, piling-piling bata lang pala. Ayoko kasi ng mga batang mas maldita pa sakin tsaka sa mga siraulong bata.
Nakachat ko kasi yung friend ko nung college. Sabi niya hinahanap ako ng 4-year-old na kapatid niya, si Louis. Malapit ako kay Louis, sumusunod kahit saan akong sulok ng bahay nila magsuot. Minsan pa nga eh gusto rin niyang pumasok sa banyo habang tumatae ako. Ultimate crush niya daw ako. Madalas sa bahay nila kami gumagawa ng project o kaya magkopyahan. Medyo hassle kasi laging gustong makipaglaro sakin ni Louis. Pinakagusto pa naman niyang laro ay yung tipong nagbabatuhan kami…ang makabasag ng gamit, lagot. Pag naman nanakit na muscles niya sa kakabato, sasambunutan naman niya ako. Enjoy na enjoy siya pag nasa bahay nila ako. Ako naman ay parang nasa impiyerno.
Ibang-iba naman si Zuriel kay Louis. 2 years old lang siya at nakilala ko lang siya nitong tong nakaraan na pagbisita ko sa pilipins. Siya ang laruan sa bahay ng ninang ko. Maingay na bata si Zuriel. Lagi ako nagigising sa mabigat niyang yapak. Masyado siyang siksik, cute na cute. Gusto ko rin sana makipag-laro sa kanya, kaya lang pag nakikita na niya ako, nagiging statwa na siya at tititig lang sa akin. Sinasabi raw ni Zuriel sa mga tao doon na crush niya ako at papakasalan niya ako. Hindi na rin daw siya dedede kasi may gelpren na siya.. at ako daw yun.
Madalas talaga ako lapitan ng mga bata, sa simbahan, sa kalye, sa restaurant, saan man ako mapadpad. Para bang nagtitiwala kaagad sila saakin. Madali nila ako matandaan. Siguro dahil mukha akong mabait at isang anghel
hahahaha
Mga bata lang siguro ang nakakakita ng wings at halo ko
.028 My life is fcking great
Setyembre 19th, 2010 § Mga Puna
Ewan ko. Ang bait masyado sakin ni Lord. Lahat na binigay niya sakin maliban sa isang bagay…utak.
