.028 My life is fcking great
Setyembre 19th, 2010 § Mga Puna
Ewan ko. Ang bait masyado sakin ni Lord. Lahat na binigay niya sakin maliban sa isang bagay…utak.
.009
Agosto 2nd, 2010 § Mga Puna
Salamat kina kuya foobarph at Kuya Lu-an hehehehe ayan na. Fan ako ng Up Dharma Down. Galing kasi nila eh. Kaka-release pa lang ng new song nila kanina at na-inlove na naman ako. Ayoko na ako lang ang nakakaalam ng super gandang kanta na ito kaya shinishare ko sa inyo. Buti na lang nagustuhan din ng kapatid ko at siya na gumawa ng paraan para makapagdownload hehehe
Anyway, here’s the lyrics:
Sa hindi inaaasahang pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong, damang-dama na ang ugong nito
Di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding-hindi ko ipararanas sa ‘yo
Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pagsinta
Ba’t ‘di pa patulan ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang hilaga’t kanluran
Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa ‘yo
Saan nga ba patungo, nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba’t di pa sabihin ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba ‘to sa hangin
‘Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako’t nakikinig sa ‘yo
taken from: http://interrobangag.tumblr.com
Oh ano? Ang ganda noh?