.052 sana naghintay na lang ako

Abril 7th, 2011 § Mga Puna

Gabi ng martes, kating-kati ako manood ng nakakaiyak na palabas. Nagresearch pa ako para sa isang movie na para sa marami ay nakakaiyak talaga. So kami ng pinsan ko nanood ng ‘My 11th mother’, korean movie…maganda ang story, kaya lang hindi kami naiyak at super nadisappoint ako kasi masyado nang gabi para maghanap pa ng papanooring nakakaiyak. Natulog na lang kami.

Kinabukasan, tumawag ang tatay ng pinsan kong madaldal…patay na raw and kuya ng pinsan kong madaldal…nagpakamatay daw…

Sana naghintay na lang ako ng isang araw para maiyak.

.051 Ang pinsan kong madaldal

Abril 1st, 2011 § 1 Puna

Last feb, dumating pinsan ko galing pinas para makipagsapalaran din dito sa Dubai. Masaya naman kami kaya lang, ang daldal ni cousin. Walang tigil ang bibig, kahit napag-usapan na namin ang isang bagay, babalikan na naman niya ulit para may masabi lang. Ok naman minsan eh, medyo entertaining din naman siya pero ayoko lang talaga makarinig ng paulit-ulit na bagay para lang may masabi ba.

Sa lahat ng bagay, may komento. Dakdak ng dakdak, hindi nag-iisip. Reklamo ng reklamo, ginagawa naman. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan. Kaya siguro nabibinggi na ako, kapag andyan na kasi siya, naglalagay na ako ng earphones sa tenga at nagpapatugtog ng malakas para hindi ako mairita.

Galing siyang trabaho, magrereklamong pagod. Eh parang hindi naman siya pagod kung makapagdaldal. Full of energy, buti pa siya. Saan kaya niya nakukuha yun?

Sa pagkakakilala ko sa kanya dati, sobrang tahimik na lalaki si cousin. Walang imik. Hindi magsasabi ng kahit ano. Aba ngayon, wala namang tinago sa sarili, lahat inilabas na. Pramis, para siyang babae, dinaig pa niya ako.

Pagbigyan niyo akong magreact ng ganito dito… di ko rin naman masasabi sa kanya kasi hindi niya ako pagbibigyang magsalita.

.048 bida sana

Enero 22nd, 2011 § Mga Puna

Naimbitahan akong bumida sa isang independent film na ipoproduce dito sa Dubai ng isang Arabo. Medyo long story kung paano niya akong nadiskubre at nacontact pero hindi ko tinanggap ang offer niya. Nagpakawala na naman ba ako ng isang opportunity? Ewan.

Sa totoo lang, ok lang akong umarte sa isang pelikula. Maarte naman talaga akong bata . Pero isa na rin ito sa mga nakikita kong pwede kong gawin sa future, ang mag-inarte. Hindi klaro sa akin ang plot ng pelikula na balak niyang gawin pero pumayag naman ako na maging bida.

Kinunsulta ko ito sa mga magulang ko, ok naman sila na every friday at saturday ang shooting, off ko naman kasi nun. Ok sila na umarte ako at ikahiya nila ako pansamantala. Hindi lang sila ok nung sinabi kong wala akong makukuhang bayad sa pag-arte ko rito. Sinabi nila kaagad sa akin na i-cancel ko na ito at wag ko nang kausapin ulit yung producer na yun.

Napagkasunduan talaga namin yun na wala akong makukuhang sweldo sa kanya. Independent nga eh, wala siyang malaking budget para dito. Gusto lang niya sumali sa susunod na film fest na gaganapin dito sa Dubai at gusto ko talaga siyang tulungan pero sabi sakin ng mga magulang ko, masasayang lang pagod at oras ko kung wala akong makukuhang pera dito. Nasa Dubai ako para kumita ng pera at hindi para maging artista. Oo, pag naging artista ako kikita rin naman ako ng pera eh, super laki pa. Pero hindi rin naman ako confident ngayon na magagawa ko ng maayos ang pag-arte ko. Marami pa akong mas kailangang gawin higit dito. Kaya for now, bye-bye producer.

Kung opportunity nga ito, sayang! Nagpalagpas ulit ako ng isa.

.044 Simba

Disyembre 18th, 2010 § Mga Puna

Naumpisahan ko ang simbang gabi kasama ang pamilya ko at balak namin kumpletuhin ito. If ever mang hindi ako tamarin sa mga susunod na gabi, first time ever kong makakabuo ng simbang gabi.

Naalala ko kasi dati, bata pa ako nun, determinado akong tapusin ang simbang gabi kasama kapatid at pinsan ko. Hindi kami talaga relihiyosong pamilya dati, hindi nagsisimba tuwing Linggo. Kaya ang pakiramdam na alam mong makakatapos ka ng simbang gabi ay fulfilling para sa akin…huling araw na ng simbang gabi, nasira ang routine ko. Madalas kasing lumabas ng bansa ang tatay ko dati for business trips, eh saktong dumating siya sa huling araw ng simbang gabi. Sinundo sa airport tapos dali-dali kaming pumunta ng simbahan bakasakaling umabot sa misa… kalahati lang naabutan ko :( Grabe ang iyak ko nun. Galit na galit ako sa tatay ko. Nasayangan kasi ako. Hindi tuloy ako nakapag-wish. Yun kasi ang sabi sakin, matutupad ang wish mo pag nakatapos ka ng simbang gabi…kaya siguro determinado ako dati. Pagkatapos ng trahedyang nangyari sakin, 8 1/2 lang na simbang gabi ang natapos ko, hindi na muli ako dumalaw sa simbahan.

Ngayon, hindi ko iniisip na may matutupad na wish mo kapag nakakumpleto ka. Nagsisimbang gabi ako para magdasal. Para makinig ng mabuting balita. Para matuto. Para ma-enlighten. Para makisama sa mga iba pang nangungunilang pilipinong naghahangad ng masayang pasko ngayong taon. Puno palagi ang simbahan sa mga nakalipas na gabi at sigurado akong magpapatuloy ito sa mga susunod na gabi kahit kinabukasan may pasok, kahit mahirap umuwi, kahit napakalamig sa labas. Lahat ng pilipino dito ay naghahangad ng masayang pasko.

Sa tuwing kumakanta na ng ‘Ama namin’, laging nagfaflashback ang isang pagkakataong nagsimba ako kasama ng kapatid ko at lola ko sa SM Megamall. Sa pagkakaalala ko, Father’s Day nun. Apat na lang kami sa bahay, ako, kapatid ko, lolo’t lola ko. Hindi ko alam kung anongg nakain ko at niyaya ko silang magsimba. Nakapagsimba na lolo ko nung araw na yun kaya kaming tatlo na lang. Maraming tao ang dumalo. Mga pamilya. Naalala kong umiiyak kapatid ko nung kumakanta na kami ng ‘Ama Namin’. Naluluha na rin lola ko. Pagkatapos nun, magbibigay na ng kapayapaan…eh sabi nung pari, instead of sabihin sa mga tatay na ‘Peace be with you’, yakapin sila at sabihin sa kanila kung gaano mo sila kamahal. Doon na humagulgol ang kapatid ko. Siguro naaawa siya samin. Lahat sa paligid namin ay may tatay at masaya…samantalang kami, walang babatiing ‘Happy Father’s Day’. Masyadong naging madrama kaya pinagtitinginan kami at nagets kaagad nila kung bakit kami malungkot. Nasabi ko sa sarili ko, ‘kung nandito lang sana si lolo’. Kung nandito lang din talaga si lolo at si lola para magpasko kasama namin, mas masaya ako. Sa totoo lang, miss na miss ko na talaga sila na sa tuwing naaalala ko sila naiiyak ako.

Oh ayan, ang gulo na ng mga pinagsasabi ko. Halo-halo kasi ang nararamdaman ko ngayon. Lahat konektado pero magulo. Sa totoo lang, sa mga panahong ito, malungkot ako. Malungkot ako katulad ng ibang kabayan na nangungulila sa kanilang pamilyang naiwan sa pinas. Hindi dapat ako malungkot dahil andito pamilya ko. Hindi na dapat ako malungkot dahil dalawang linggo na lang 2011 na at lilipat na kami sa mas magandang bahay. Dapat masaya ako at excited dahil nalalapit na ang pasko. Pero hindi. Malungkot ako. At sa tuwing nagsisimba ako, mas nalulungkot ako dahil sa mga nakikita ko at naaalala ko. Kahit nalulungkot ako, lumalakas naman ang loob ko. Dahil ang mga nakikita ko sa simbahan ay mga taong kahit malungkot sila, nagawa pa rin nilang magsimba at humarap sa Diyos na kayang-kaya nilang malagpasan ang darating na malungkot na pasko. Ang mga taong nagtitiis at naghahangad. Sila ang mga taong tinitingala ko :) Sana maging matibay din ako katulad nila.

.043 ang koreana kong kapatid

Disyembre 11th, 2010 § Mga Puna

Hindi siya galing korea. Pero mukha siyang korean. Dahil maraming tao ang pumapansin sa korean face niya, pinanindigan niya ito. Nagdamit korean. Nagkikikilos korean. Nag-aral ng korean. Kumakain ng korean. Nagbabasa at nagsasalita ng korean. Nagsusulat pa ng korean. Nanonood at nakikinig ng korean. Kumakanta at sumasayaw ng korean. Ang tanging cute sa paningin niya ay mga korean. Nagbakasakaling maging korean. Kaya naman cute na cute talaga ‘tong kapatid ko…isa siyang korean na nagsasalita ng Filipino. Isang korean na nanggaling sa dalawang Filipinong magulang. Isang korean na may magandang kapatid, ako yun! Isa man siyang korean sa paningin ng ibang tao…siya pa rin si ‘Bubut’ na kapatid ko :)

Sa totoo lang kaya naman ako nagkekwento tungkol sa kapatid ko ay dahil sa tuwang-tuwa ako sa bagong pangalan na binigay ko sa kanya, ‘Bubut’… Pano ba naman, ginupit ang bangs. Kalahati na lang ng noo niya bangs niya. Hindi pa pantay-pantay. Hindi niya pwedeng i-clip o taliin kasi super iksi na nito. Ganunpaman, tumatabi pa naman ako sa kanya sa labas kahit nagkukunwari akong hindi ko siya kilala :)

.041

Disyembre 5th, 2010 § Mga Puna

Masaya ako. At ang daming rason kung bakit ako masaya. Pinakauna dito ay dahil maswerte ko sa maraming bagay. Hindi ko na iisa-isahin. Magpapasalamat na lang ako sa itaas. Nagpasalamat na ako at patuloy na magpapasalamat. Hindi ako madalas magsimba pero noong friday, sumama ako sa pamilya kong magsimba. Ang homily ni Fr. Tom ay tungkol sa mga taong napasok sa isang malaking pagkakamali at kung paano sila makakaalis o matatapos ito. Ang tanging paraan lang na nasabi ni Fr ay umpisa pa lang, putulin na ito. Ang gulo nga eh. Pero naisip ko, nagawa ko na ito. May mga bagay akong tinapos kaagad. Marami nang bagay sa buhay ko ang natapos. Malaki o maliit man ito…lahat posible kasi lahat may katapusan. Hindi ko sasabihing marami na akong napagdaanan kasi bata pa ako, marami pa akong pagdadaanan. Pero masasabi ko na sa mga napagdaanan ko na, natapos naman lahat…hindi nga lang matiwasay yung iba, pero wala na ngayon. Mga problema ko dati, tapos na, hindi ko na problema ngayon. Mga utang ko dati, nabayaran ko na :) Kaya siguro ako masaya ngayon… tapos na lahat. Nagsisimula na muli ako ng tama.

Haaaay nako..parang karugtong ito ng last post ko :)  Hanggang ngayon kasi ay nagpaplano pa ako sa buhay ko hehehe Kailan ko uumpisahan ba? Bukas. Pramis.

Anyway, gusto ko lang talaga magpasalamat kay kikilabotz sa pag-appreciate ng beauty ko at sa pagpopost ng picture ko for the first time sa internet. Sa totoo lang pakalat-kalat na pictures ko sa internet…wag kayo mag-alala, ako rin naman ang nagkakalat ng mukha ko :) Hindi nga lang ako naglalagay dito sa blog ko kasi dito, bastos, walang hiya at totoo ako…at tanggap ako ng mga nakakabasa…hindi ba? :|

Pero ano ba ikakatakot ko? Maganda naman ako hahaha. Kaya sige, makapaglagay na nga litrato ko dito paminsan-minsan :) ok lang ba?

.040 Pagbabago

Nobyembre 27th, 2010 § Mga Puna

Yes, nadamitan din sa wakas ‘tong blog ko :) Maraming salamat kay jec at pinagbigyan niya ang hiling ko :) Ansaya ko super, hindi ko kelangan magmakaawa sa kanya para matulungan ako hehehe. Bago pa niya gawing business ang pagdadamit ng mga blog, nagpagawa na ako sa kanya para libre :) Maraming salamat ulit jec~!

Ngayon bago na ang itsura nitong pinagsusulatan ko ng buhay ko. Balak ko na rin na kahit papaano ay magbago. Hindi pa New Year pero pwede ko na simulan ngayon :) Ngayon na may trabaho na ako, ngayon na single na ulit ako, ngayon na nagbalik loob na ako sa mga magulang ko.

Ano naman ang babaguhin ni Katy? Eh ang perfect niya na ah! Alam ko yan ang reaksyon niyo nung sinabi ko na magbabago ako hahahahaha joke. Eto-eto ang mga balak kong baguhin sa sarili ko, sa routine ko, sa buhay ko:

1. Magtatanong kung hindi alam.

Hindi dahil feeling ko alam ko na ang lahat. Ako lang talaga yung klase ng tao na hindi matanong. Bata pa lang ako, wala na akong pakielam sa mga bagay-bagay. Ayokong mag-explore. Sa school, pag medyo hindi gets ang isang bagay, magdadasal at maghihintay na ibang kaklase ang magtanong. Ganito ako dati at gusto ko na baguhin ito. Ako kasi ang nahihirapan eh.

2. Hindi na muna manlalalaki

Hindi ko naman ito talaga ginagawa. Ang ibig kong sabihin…ano…uhm…alam niyo na..kasi ang isang tulad ko, hindi ko maiwasang hindi maakit sakin ang mga kalalakihan. Ang hirap kayang hindi sila pansinin. Gusto ko rin naman silang pasalamatan at naappreciate nila beauty ko. Pero sa ngayon, magsusungit na ako. Pag hindi ka gwapo, sorry hindi kita papansinin. Babawasan ko muna ang mga lalaki sa paligid ko para maaliwalas sa paningin. Sa totoo lang, natatakot na ako na maulit ang isa sa maraming trahedya sa buhay ko…ang ma-inlove. Kaya habang may mga lalaki, may chance ako ma-inlove…kaya for now, hindi ko muna kayo papansinin :)

3. Papasok ng maaga sa office

Never ako na-late…lagi akong on-time. And when I say on time. 9 ang pasok ko, saktong 9 ang tapak ko sa loob ng opisina. Naisip ko na hindi magandang makasanayan ito. Araw-araw akong tumatakbo papunta sa train station at nanunulak papasok sa tren. Lagi akong naghahabol ng hininga. Lagi akong haggard pumapasok sa office. Sayang naman at naligo pa ako at nagsuklay bago umalis ng bahay.

4.  Babawasan ang oras ng pagharap sa salamin

Wala naman na kasi mababago sa face ko kahit ilang oras ko pa titigan ito…kanina ko lang narealize yan :)

5. Maglalagay na ng mga pictures dito

Feeling ko kasi ang boring nitong blog ko…puro walang kakwenta-kwentang kwento. At dahil gumanda na ang itsura nito (thanks again to jec :) ) kelangan kahit papaano mag-effort naman akong pagandahin mga post ko diba? hehehehe

6. Hindi ko na gagawing tanga sarili ko

Madalas akong magpakilala sa tao na ako’y isang tanga pero mabait :) Kaya, tinatrato din nila akong tanga. Alam kong marami pa akong kelangang malaman…pero dapat malaman din ng ibang tao na may alam din naman ako sa ibang bagay :) Nagkukunwari kasi akong walang alam minsan…kaya ayun, naconvince ko sila at sarili ko na tanga me :)

7. Tatapusin lahat ng sinumulan

Isa ito sa mga sakit ko. Nagbasa ng libro, tinamad, sinara ang libro at hindi na ito babalikan muli. Nakinig sa isang kanta, hindi pa tapos ang kanta, nilipat na sa susunod na kanta. Mabilis kasi akong ma-bore. Pag hindi na ako nag-eenjoy, iiwan ko na ito at magsisimula ulit gumawa ng isang bagay… hanggang sa nasimulan ko na lahat at wala nang natapos.

8. Kakain ng gulay

Joke time lang ‘to :)

9. Panindigan lahat ng sinabi

Madalas kong kinakain lahat ng sinasabi ko. Ang sarap kasi eh :) Kaya siguro nagmumukha akong tanga at tingin sa akin ng ibang tao ay mababa…wala kasi akong permanenteng sagot. Lagi na lang, feeling ko, ewan ko lang ha pero, sabi kasi ni ano eh,… tapos pag nakumpirmang mali, maninisi ng ibang tao o kaya naman idadahilang nag-jojoke lang ako. Haaay, ano ba yan Katy tsk tsk tsk. Kaya lahat ng sasabihin ko mula ngayon, paninindigan ko na!

10. Ipapahinga muna ang puso

.030 Haaaay.

Oktubre 7th, 2010 § Mga Puna

Andito na ulit ako sa Dubai. Ilang araw lang naman ako nag-stay sa pilipins kasama korean sister ko. At OO…dahil lang sa audition na yan kaya kami umuwi. stupid.

Bago kami umuwi, ang problema namin ay kung saan kami magstay ng ilang araw. Pwede sa bahay namin…kaya lang wala nang gamit doon at naging haunted house na. Hindi namin pinaalam sa ibang relatives na uuwi kami, kahit nga friends ko hindi nila alam…para hindi magastos :) hindi, wala lang talaga akong friends :|

Anyway, inampon muna kami ng ninang at ninong namin. Sila ang closest family friend namin. Kapitbahay namin sila for 18 years. Hindi sila nabiyayaan ng anak kaya naging anak-anakan nila kami ng kapatid ko. Sa ngayon, iniwan na nila ang bahay nila…katabi ng bahay namin. Ilang patak pa lang ng ulan, baha na kaagad doon sa area namin kaya nagdecide sila na tuwing weekend lang uuwi doon. Si ninang sa Libis umuuwi, doon siya lumaki at nandoon pa pamilya niya samantalang si ninong, umuupa sa Laguna. Kaya doon kami sa Libis nanirahan ng ilang araw :)

Connecting flight ang kinuha naming ticket. Hindi dahil sa mas mura pero dahil gusto namin ng mas maraming tatak sa passport hehehe. Never kami nag-direct flight ni sister except na lang kung 2 oras lang naman ang biyahe. Medyo hassle nga lang pag connecting flight. Instead na pag-gising mo pagkatapos ng mahabang biyahe ay nandoon ka na sa destinasyon mo, lilipat ka pa ng eroplano at madadagdagan ang oras ng biyahe mo. Minsan, maghihintay ka pa ng matagal para sa next flight mo.

Ok lang ba kung magkwento ako ng mahaba?  « Read the rest of this entry »

.028 My life is fcking great

Setyembre 19th, 2010 § Mga Puna

Ewan ko. Ang bait masyado sakin ni Lord. Lahat na binigay niya sakin maliban sa isang bagay…utak. :( :| :) :D ;)

.027 What am I going to do?

Setyembre 17th, 2010 § Mga Puna

Breaking news… parang hindi naman :) kailangan namin ni korean sister umuwi ng Pinas before September 25. Why?

We got in!!! Yeah baby! Hahahahaha saan naman kami napasok? Neganetwork Idol Search 2010

Nahilig kasi ako dati sa kpop. Naging fangirl pero ngayon medyo nawala na. Sabi ni sister sali kami sa search for the next kpop star. Ayoko nung una. Sabi niya for sure daw makukuha ako kasi maganda hinahanap nila at hindi kailangan ng talent :) kaya napasend ako ng pictures. Sumali rin si sister and parehas kami pinapapunta sa Manila for the audition.

What the hell? Saan ako kukuha ng money para sa pamasahe ko? Parang nagdadalawang-isip tuloy ako…lalo na nung nalaman kong kailangang kumanta…ok lang sana basta maggigitara ako habang kumakanta…pero accapella daw, walang accompaniment :|

Where Am I?

You are currently browsing the familia category at by the way, i'm no katy..

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.