.049 let’s talk about…nevermind
Enero 27th, 2011 § Mga Puna
Dahil isa akong batang naligaw sa mundo ng mga matatanda, marami pa akong hindi maintindihan sa mga pinaggagagawa nila. For example bakit sila nagiging awkward magsalita ng mga bastos, magmura, magsabi ng kung anumang kabalastugan kapag kasama nila ako. Madalas nananahimik na lang sila. Pero hindi nila alam, alam ko rin naman lahat ng mga gusto nilang sabihin. At pag sinabi kong alam ko, ibig sabihin nun, nagawa ko na o nasabi ko na ang mga ito. Hindi ko rin naman sila masisisi, nandito mga magulang ko. Kapag nalaman ng mga magulang ko ang mga pinaggagagawa ko, sila ang masisisi kasi sila madalas kong kasama.
Gusto ko lang naman sabihin, na kahit nananahimik ako, ok lang pag-usapan natin ang mga bagay-bagay na sa tingin niyo hindi ko alam katulad na lang ng mga malalaswang bagay. Favorite topic ko nga yun eh!! hahaha
Wala lang, gusto ko lang magdrama bago pumasok sa opis.
.048 bida sana
Enero 22nd, 2011 § Mga Puna
Naimbitahan akong bumida sa isang independent film na ipoproduce dito sa Dubai ng isang Arabo. Medyo long story kung paano niya akong nadiskubre at nacontact pero hindi ko tinanggap ang offer niya. Nagpakawala na naman ba ako ng isang opportunity? Ewan.
Sa totoo lang, ok lang akong umarte sa isang pelikula. Maarte naman talaga akong bata . Pero isa na rin ito sa mga nakikita kong pwede kong gawin sa future, ang mag-inarte. Hindi klaro sa akin ang plot ng pelikula na balak niyang gawin pero pumayag naman ako na maging bida.
Kinunsulta ko ito sa mga magulang ko, ok naman sila na every friday at saturday ang shooting, off ko naman kasi nun. Ok sila na umarte ako at ikahiya nila ako pansamantala. Hindi lang sila ok nung sinabi kong wala akong makukuhang bayad sa pag-arte ko rito. Sinabi nila kaagad sa akin na i-cancel ko na ito at wag ko nang kausapin ulit yung producer na yun.
Napagkasunduan talaga namin yun na wala akong makukuhang sweldo sa kanya. Independent nga eh, wala siyang malaking budget para dito. Gusto lang niya sumali sa susunod na film fest na gaganapin dito sa Dubai at gusto ko talaga siyang tulungan pero sabi sakin ng mga magulang ko, masasayang lang pagod at oras ko kung wala akong makukuhang pera dito. Nasa Dubai ako para kumita ng pera at hindi para maging artista. Oo, pag naging artista ako kikita rin naman ako ng pera eh, super laki pa. Pero hindi rin naman ako confident ngayon na magagawa ko ng maayos ang pag-arte ko. Marami pa akong mas kailangang gawin higit dito. Kaya for now, bye-bye producer.
Kung opportunity nga ito, sayang! Nagpalagpas ulit ako ng isa.
.041
Disyembre 5th, 2010 § Mga Puna
Masaya ako. At ang daming rason kung bakit ako masaya. Pinakauna dito ay dahil maswerte ko sa maraming bagay. Hindi ko na iisa-isahin. Magpapasalamat na lang ako sa itaas. Nagpasalamat na ako at patuloy na magpapasalamat. Hindi ako madalas magsimba pero noong friday, sumama ako sa pamilya kong magsimba. Ang homily ni Fr. Tom ay tungkol sa mga taong napasok sa isang malaking pagkakamali at kung paano sila makakaalis o matatapos ito. Ang tanging paraan lang na nasabi ni Fr ay umpisa pa lang, putulin na ito. Ang gulo nga eh. Pero naisip ko, nagawa ko na ito. May mga bagay akong tinapos kaagad. Marami nang bagay sa buhay ko ang natapos. Malaki o maliit man ito…lahat posible kasi lahat may katapusan. Hindi ko sasabihing marami na akong napagdaanan kasi bata pa ako, marami pa akong pagdadaanan. Pero masasabi ko na sa mga napagdaanan ko na, natapos naman lahat…hindi nga lang matiwasay yung iba, pero wala na ngayon. Mga problema ko dati, tapos na, hindi ko na problema ngayon. Mga utang ko dati, nabayaran ko na
Kaya siguro ako masaya ngayon… tapos na lahat. Nagsisimula na muli ako ng tama.
Haaaay nako..parang karugtong ito ng last post ko
Hanggang ngayon kasi ay nagpaplano pa ako sa buhay ko hehehe Kailan ko uumpisahan ba? Bukas. Pramis.
Anyway, gusto ko lang talaga magpasalamat kay kikilabotz sa pag-appreciate ng beauty ko at sa pagpopost ng picture ko for the first time sa internet. Sa totoo lang pakalat-kalat na pictures ko sa internet…wag kayo mag-alala, ako rin naman ang nagkakalat ng mukha ko
Hindi nga lang ako naglalagay dito sa blog ko kasi dito, bastos, walang hiya at totoo ako…at tanggap ako ng mga nakakabasa…hindi ba?
Pero ano ba ikakatakot ko? Maganda naman ako hahaha. Kaya sige, makapaglagay na nga litrato ko dito paminsan-minsan
ok lang ba?
.040 Pagbabago
Nobyembre 27th, 2010 § Mga Puna
Yes, nadamitan din sa wakas ‘tong blog ko
Maraming salamat kay jec at pinagbigyan niya ang hiling ko
Ansaya ko super, hindi ko kelangan magmakaawa sa kanya para matulungan ako hehehe. Bago pa niya gawing business ang pagdadamit ng mga blog, nagpagawa na ako sa kanya para libre
Maraming salamat ulit jec~!
Ngayon bago na ang itsura nitong pinagsusulatan ko ng buhay ko. Balak ko na rin na kahit papaano ay magbago. Hindi pa New Year pero pwede ko na simulan ngayon
Ngayon na may trabaho na ako, ngayon na single na ulit ako, ngayon na nagbalik loob na ako sa mga magulang ko.
Ano naman ang babaguhin ni Katy? Eh ang perfect niya na ah! Alam ko yan ang reaksyon niyo nung sinabi ko na magbabago ako hahahahaha joke. Eto-eto ang mga balak kong baguhin sa sarili ko, sa routine ko, sa buhay ko:
1. Magtatanong kung hindi alam.
Hindi dahil feeling ko alam ko na ang lahat. Ako lang talaga yung klase ng tao na hindi matanong. Bata pa lang ako, wala na akong pakielam sa mga bagay-bagay. Ayokong mag-explore. Sa school, pag medyo hindi gets ang isang bagay, magdadasal at maghihintay na ibang kaklase ang magtanong. Ganito ako dati at gusto ko na baguhin ito. Ako kasi ang nahihirapan eh.
2. Hindi na muna manlalalaki
Hindi ko naman ito talaga ginagawa. Ang ibig kong sabihin…ano…uhm…alam niyo na..kasi ang isang tulad ko, hindi ko maiwasang hindi maakit sakin ang mga kalalakihan. Ang hirap kayang hindi sila pansinin. Gusto ko rin naman silang pasalamatan at naappreciate nila beauty ko. Pero sa ngayon, magsusungit na ako. Pag hindi ka gwapo, sorry hindi kita papansinin. Babawasan ko muna ang mga lalaki sa paligid ko para maaliwalas sa paningin. Sa totoo lang, natatakot na ako na maulit ang isa sa maraming trahedya sa buhay ko…ang ma-inlove. Kaya habang may mga lalaki, may chance ako ma-inlove…kaya for now, hindi ko muna kayo papansinin
3. Papasok ng maaga sa office
Never ako na-late…lagi akong on-time. And when I say on time. 9 ang pasok ko, saktong 9 ang tapak ko sa loob ng opisina. Naisip ko na hindi magandang makasanayan ito. Araw-araw akong tumatakbo papunta sa train station at nanunulak papasok sa tren. Lagi akong naghahabol ng hininga. Lagi akong haggard pumapasok sa office. Sayang naman at naligo pa ako at nagsuklay bago umalis ng bahay.
4. Babawasan ang oras ng pagharap sa salamin
Wala naman na kasi mababago sa face ko kahit ilang oras ko pa titigan ito…kanina ko lang narealize yan
5. Maglalagay na ng mga pictures dito
Feeling ko kasi ang boring nitong blog ko…puro walang kakwenta-kwentang kwento. At dahil gumanda na ang itsura nito (thanks again to jec
) kelangan kahit papaano mag-effort naman akong pagandahin mga post ko diba? hehehehe
6. Hindi ko na gagawing tanga sarili ko
Madalas akong magpakilala sa tao na ako’y isang tanga pero mabait
Kaya, tinatrato din nila akong tanga. Alam kong marami pa akong kelangang malaman…pero dapat malaman din ng ibang tao na may alam din naman ako sa ibang bagay
Nagkukunwari kasi akong walang alam minsan…kaya ayun, naconvince ko sila at sarili ko na tanga me
7. Tatapusin lahat ng sinumulan
Isa ito sa mga sakit ko. Nagbasa ng libro, tinamad, sinara ang libro at hindi na ito babalikan muli. Nakinig sa isang kanta, hindi pa tapos ang kanta, nilipat na sa susunod na kanta. Mabilis kasi akong ma-bore. Pag hindi na ako nag-eenjoy, iiwan ko na ito at magsisimula ulit gumawa ng isang bagay… hanggang sa nasimulan ko na lahat at wala nang natapos.
8. Kakain ng gulay
Joke time lang ‘to
9. Panindigan lahat ng sinabi
Madalas kong kinakain lahat ng sinasabi ko. Ang sarap kasi eh
Kaya siguro nagmumukha akong tanga at tingin sa akin ng ibang tao ay mababa…wala kasi akong permanenteng sagot. Lagi na lang, feeling ko, ewan ko lang ha pero, sabi kasi ni ano eh,… tapos pag nakumpirmang mali, maninisi ng ibang tao o kaya naman idadahilang nag-jojoke lang ako. Haaay, ano ba yan Katy tsk tsk tsk. Kaya lahat ng sasabihin ko mula ngayon, paninindigan ko na!
10. Ipapahinga muna ang puso
.036
Nobyembre 4th, 2010 § Mga Puna
Nasa work ako ngayon at tamad na tamad ako. Wala pa akong isang linggo, nagrereklamo na ako hahaha.
Sa totoo lang, swerte ako sa work na ‘to. Simple lang naman ang kelangang gawin. Masaya pang kasama ang mga katrabaho ko dito. Ok pa ang sahod ko
AT TWO DAYS ang off ko
ansaya lang hehehe
Isang lang problema ko, ang boring.
.034
Oktubre 26th, 2010 § Mga Puna
Busy ako these days. Hindi dahil may trabaho na ako…naghahanap pa rin ako ng work
Mukhang walang effect ang strategy ko sa mga interviews. Yung dalawang previous company ko kasi, malalaking company… ang tinatry ko ngayon pasukin eh yung maliliit lang. Unfortunately, hindi gumagana ang strategy ko sa kanila na…Smile at pagpapa-cute
Anyway, may tumblr na nga pala ako. Wala namang laman yan… hindi ko pa alam kung paano ayusin.
…
Baka na-miss niyo si chekwa. Sa totoo lang, wala na siya dito sa Dubai. Pagkabalik ko dito galing pilipins, wala na siya. Umuwi na raw ng China. Tinakasan ang utang dito. Loko yun, hindi man lang nagpaalam
ayan, wala na tuloy akong bestfriend dito
…
Kakatapos ko lang panoorin ang City Hall. Korean drama. Maganda. Nakakatawa. …
…
Kamusta na kami ni nicha? Ewan. Ok? Parang hindi naman. Honestly, hinihintay ko na lang siyang i-let go niya ako.
.030 Haaaay.
Oktubre 7th, 2010 § Mga Puna
Andito na ulit ako sa Dubai. Ilang araw lang naman ako nag-stay sa pilipins kasama korean sister ko. At OO…dahil lang sa audition na yan kaya kami umuwi. stupid.
Bago kami umuwi, ang problema namin ay kung saan kami magstay ng ilang araw. Pwede sa bahay namin…kaya lang wala nang gamit doon at naging haunted house na. Hindi namin pinaalam sa ibang relatives na uuwi kami, kahit nga friends ko hindi nila alam…para hindi magastos
hindi, wala lang talaga akong friends
Anyway, inampon muna kami ng ninang at ninong namin. Sila ang closest family friend namin. Kapitbahay namin sila for 18 years. Hindi sila nabiyayaan ng anak kaya naging anak-anakan nila kami ng kapatid ko. Sa ngayon, iniwan na nila ang bahay nila…katabi ng bahay namin. Ilang patak pa lang ng ulan, baha na kaagad doon sa area namin kaya nagdecide sila na tuwing weekend lang uuwi doon. Si ninang sa Libis umuuwi, doon siya lumaki at nandoon pa pamilya niya samantalang si ninong, umuupa sa Laguna. Kaya doon kami sa Libis nanirahan ng ilang araw
Connecting flight ang kinuha naming ticket. Hindi dahil sa mas mura pero dahil gusto namin ng mas maraming tatak sa passport hehehe. Never kami nag-direct flight ni sister except na lang kung 2 oras lang naman ang biyahe. Medyo hassle nga lang pag connecting flight. Instead na pag-gising mo pagkatapos ng mahabang biyahe ay nandoon ka na sa destinasyon mo, lilipat ka pa ng eroplano at madadagdagan ang oras ng biyahe mo. Minsan, maghihintay ka pa ng matagal para sa next flight mo.
Ok lang ba kung magkwento ako ng mahaba? « Read the rest of this entry »
.029 I’ll be back
Oktubre 1st, 2010 § Mga Puna
Andito pa ako sa pilipins. Walang maayos na internet connection. Walang malapit na safe na internet cafe. Hindi dala ang laptop. Nagtitiis sa ipod touch. Kaya eto nagmamadali magpipipindot bago mawala ang connection dito sa baranggay.
Basta pagbalik ko sa Dubai, makakapagkwento na ulit ako ng maayos tungkol sa mga nangyari dito sa Manila. Comedy kasi lahat
Sana lang hindi ko pa makalimutan hehehe.
Hanggang dito muna. BRB.
.028 My life is fcking great
Setyembre 19th, 2010 § Mga Puna
Ewan ko. Ang bait masyado sakin ni Lord. Lahat na binigay niya sakin maliban sa isang bagay…utak.

