30-day challenge
I saw this on Tumblr and halos lahat nakagawa na ito
This is the first time I’m doing this and dito ko na lang gagawin instead na sa Tumblr hehe.
Day 01 – Something you hate about yourself
Physically, having big feet. Don’t ask kung anong size ng paa ko baka matadyakan ko kayo. Seriously, ang laki ng paa ko
I also having a loooooot of dreams. Masyado akong ambisyosa, tamad naman ako hahaha
Day 02 – Something you love about yourself
Actually, I have a lot of things to love about myself hahahaha! For the sake of this shiz, I would choose being cool with everything na lang:) Or let me say, wala lang talaga kasi akong care hahaha. Pero kasi hindi ako mareklamong tao, just go with the flow, happy-go-lucky ba… and in this way, I’m having fun
Day 03 – Something you have to forgive yourself for
Siguro nung naging selfish ako dati na nag-cause ng malaking impact sa family ko…sadly, hanggang ngayon nagsusuffer pa rin kami dahil sa pagiging selfish ko dati
Pakonti-konti napapatawad ko na sarili ko. I hope na maforgive ko na sarili ko soon and I hope na hindi na ulit ako maging selfish
Day 04 – Something you have to forgive someone for
No one. Kasi lahat napatawad ko na
If ever may manakit sakin, after awhile, mapapatawad ko na
Day 05- Something you hope to do in your life
To make my life better? Ewan. Ambisyosa kasi ako eh kaya marami akong gustong gawin sa life ko.
Day 06- Something you hope you never have to do
Kumain? Tumae? Maligo? Hassle kasi eh, gusto ko lang humilata hahaha
Day 07- Someone who has made your life worth living for
Nicha, my boyfriend <3
Day 08- Someone who made your life hell, or treated you like shit
A lot of people treated me like shit before but I already forgave them. For the hell of this, siguro si Maricel. I worked with her for a month. One of the reasons kung bakit I left that company. Ngayon, naalala ko siya…pwedeng magmura? Excuse my cursing…ahem.. tangina niya… smile na lang para kunwari charot lang
Day 09- Someone you didn’t want to let go but just drifted
Sa totoo lang, ako ang nang-iiwan
Day 10- Someone you need to let go, or wish you didn’t know
I admit, I need to let go of Nicha. I tried letting him go…pero hindi kaya ng puso eh. I know someday, I have to set him free. Oh diba, parang kanta lang haha. Sana nga hindi na lang kami nagkakilala para walang inlaban na nangyari at walang heartache na naramdaman.
Day 11- Something people seem to compliment you the most on
Dahil mayabang ako, masasabi kong ito na ang pinakamahirap na tanong hahahaha. Siyempre yung mga pandakekok, gusto height ko. Yung mga matataba, gusto figure ko, mga kulot naman, gusto straight long hair ko tapos yung mga pango, gusto tenga ko. ayy ang labo. It seems na nagugustuhan natin ang isang bagay sa isang tao base sa kung anumang wala tayo. Seryosong sagot…SMILE. Lahat na ata na-inlove sa ngiti ko
hahahaha hangiiiiiiiiin.
Dagdag, gustong-gusto ni boyfriend ang mga mata ko hehehe
Dagdag ulit, magaling talaga akong magbuhat ng bangko hahaha
Day 12- Something you never get compliments on
It would be my big feet. Sino bang magcocompliment ng paa? AKO. Kinocompliment ko ang mga taong may maliliit na paa hahaha.
Day 13- A band or artist that has gotten you through some tough ass days (write a letter)
May letter-letter pang nalalaman hahaha Actually, WALA. Pwedeng songs na lang? Nobody’s home ni Avril Lavigne, pretty much describes me hehehe. Tapos meaningful din sakin yung Rainbow ng Southborder. Dati kasi suicidal ako, before ako mag-attempt, binuksan ko yung radyo sa mobile ko, random radio station, just to keep me from thinking of killing myself…pero hindi kaya. So pumunta ako sa roof top namin…bago ako tumalon, kinuha ko mobile ko and then nilagay ko yung earphones sa tenga ko which is playing a song. Nasa isip ko kasi dapat cool ang image ko kahit patay na ko, naka-earphones hahaha. Yung naabutan kong song, Rainbow ng Southborder…saktong bridge part…
Life’s full of challengesNot all the time we get what we wantBut don’t despair my dear coz I know nowYou’ll take each trial and you’ll make it through the stormCoz you’re strong my faith in you is clearSo ill say once again this worlds wonderful andLet us celebrate life that’s so beautiful, so beautiful
Napaiyak na lang ako at bumalik sa kwarto ko. Gumising kinabukasan na parang walang nangyari
Pero malaki talaga impact ng song na ito sakin
Day 14- A hero that has let you down (letter)
Hero?
Day 15- Something or someone you can’t live without, because you’ve tried living without it
I tried living without Nicha…ina yan, halos mamatay ako
Ilang beses ko kasing binalak hiwalayan siya, nung nangyari na…isang malaking pagkakamali hahahaha kaya eto, hirap nang mabuhay nang wala siya
Day 16- Something or someone you definitely could live without
Everything and everyone except Nicha, parents and my korean sister.
Day 17- A book that you’ve read that changed your views on something
It would be ‘Learning to count’. Yes. Math book. Para sa mga Preschool students
Mas nauna kasi akong matutong magbasa kaysa mag-count hahahaha baligtad kasi utak ko
Malaki ang impact sakin ng librong ito kasi dati hindi ako marunong magbilang, ngayon marunong na! wtf.
Day 18- Your views on gay marriage
Isa akong taong walang pakielam sa mga nangyayari sa paligid ko. Kill me if you want
Dapat kasi hindi na pinapakielamanan ng ibang tao ang buhay at kasiyahan ng isang tao. This makes me mad grrrrrrr! Hahahaha ako na ang baliw
Gays deserve respect.
Day 19- What do you think of religion? Or what do you think of politics?
I am a Catholic. Pero hindi ako masyadong religious like hearing mass every Sunday or just praying. So I think I suck
haha araw-araw nagdadasal ako bago matulog at eto lang ang sinasabi ko kay Papa Jesus, ‘Thank you Lord for this day! Amen.’ Seryoso, nagpapasalamat lang ako palagi (at yan lang lagi sinasabi ko kay Lord) Anyway, kung religion ang pag-uusapan…out na ko diyan
My reasons, I don’t really practice mine properly…and I respect other religions, like Islam (FYI: Muslim si boyfriend) So yeah, issue pa ba ang religion ngayon?
Sana yung second question na lang ang sinagot ko hahaha Sa totoo lang, wala rin akong matinong isasagot tungkol sa politics. Ang masasabi ko lang…I don’t care. Haters gonna hate hahahaha
Day 20- Your views on drugs and alcohol
Mahilig ako uminom ng alak at beer. Nahinto lang ito nung lumipat ako dito sa Dubai kasi considered as minor ako dito at bawal pa ako sa bar. Kaya miss na miss ko na ang Pinas eh hahahaha. Anyway, isang napakawalangkwentang tanong na naman na sasagutin ko ng napakawalangkwentang sagot. Never ako gumamit ng drugs…at ang view ko dito…ewan. Sa alcohol naman… miss ko nang uminom :’( Umiinom lang ako kapag naghahanap ako ng migraine, kulang kasi problema ko sa mundong ibabaw eh…hindi ako masyado nag-iisip-isip kaya kelangan ng sakit ng ulo
Day 21- (scenerio) Your bestfriend is in a car accident and you two got into a fight an hour before. What do you do?
Ako ba ang may kasalanan kung bakit siya naaksidente? Hindi naman. Siguro tatanga-tanga lang siya mag-drive
Anyway, hindi ko siya dadalawin sa hospital hangga’t hindi pa siya nagsosorry…hahaha malditang bata. Depende sa pinag-awayan yan ‘tol. Tsaka bati man o hindi, siyempre magwoworry ako sa kanya…pero hindi ako magiguilty
hahahaha ang tigas ng puso
Commercial: Ngayon ko na lang ulit pagpapatuloy ito hehehe nawala kasi ako sa mundo
sagutan ko na lang ang lahat na natitira, bored kasi ako ngayon
Day 22- Something you wish you hadn’t done in your life
Paulit-ulit ata ang mga tanong. Nasagot ko na ata ito. Ayoko na ulit maalala at magsisi na naman ako at mahihirapan na naman akong matulog at pagkagising naman ay hindi na naman ako makakahakbang. Pwedeng magmove-on?
Day 23- Something you wish you had done in your life
Hmmmm…siguro ang magpatrain ng boses at pagsayaw, isama mo na ang acting. Tapos ang mag-aral ding mag-piano.
Day 24- Make a playlist to someone and explain why you chose all the songs
Statue – Lil’ Eddie
Everything I own – Bread
Thinking of you – Radiohead
Love the way you lie – Eminem ft. Rihanna
Weak – Jojo
Once in a lifetime – Freestyle
Better Together – Jack Johnson
Will add more songs later…ang hirap mag-isip ngayon eh. Para kay Nicha yan. Explanation…kasi in love ako sa kanya at lahat yan ay love songs. Ok?
Commercial: Tinamad na naman ako, bukas ko na ulit pagpapatuloy
Day 25- The reason you believe you are still alive today
Kailangan pa ako ng mundo.
Day 26- Have you every thought about giving up on life? If so, when and why?
Yes. Highschool days ko. Peer pressure. Insecurities. I was really immature then, pagbigyan
Day 27- What’s the best thing going for you right now?
Tatlong araw na lang matatapos ko na itong 30-day
Day 28- What if you were pregnant, or got someone pregnant, what would you do?
Tatawa tapos magpapakamatay.
Day 29- Something you hope to change about yourself
NASAGOT KO NA RIN ‘TO!!! Siguro ang pagiging high blood.
Day 30- A letter to yourself
Dear Katy,
Alam kong bilib na bilib ka sa sarili mo. At yan ang gusto ko sayo
Sincerely,
Katy
ako din walang care hehe…minsan kasi nakakapagod kung laging iisipin ang sasabihin ng ibang tao diba
oo nakakapagod nga
kaya dapat kung anuman sabihin nila, dedma lang para cool hehe
hindi pinoy si boyfriend?
hindi po. porenjerjer po
ilan taon ka na?
537 decades old na po ako
…pakopya ng 30 day challenge ha.. i mean yung questions..
nice blog…nag-subscribe ako ^_^
oh sure, kinopya ko lang din naman yan sa iba haha salamat sa pag subscribe sa isang walang kwentang blog
i love ladies with big feet.. i believe they have a big heart.. anyway. nice blog here.
Very interesting page.